Maramot na female personality ‘nauntog’, biglang bumait sa pamilya ng asawang celeb
MATINDI ang ginagawang pagbawi ngayon ng isang female personality sa pamilya ng kanyang mister.
Gumagawa siya ng paraan ngayon para mabura na ang mga kuwento nu’n tungkol sa kanilang samahan.
Hindi kasundo nu’n ng babaeng personalidad ang pamilya ng kanyang asawa, ang kuwento ay pinagdadamutan niya kasi ang mga ito, samantalang ang kanyang mister naman ang naging dahilan ng kanilang napakagandang kabuhayan ngayon.
Ayon sa kuwento sa kanilang probinsiya ay napakaluwag ng babaeng personalidad sa kanyang sariling pamilya, pero pagdating na sa paryentes ng kanyang mister ay iniipit niya ang kadatungan, pinagdadamutan kuno ng female personality ang pamilya ng kanyang mister.
Kuwento ng aming source, “Naku, pinagpipistahan ang kuwentong ‘yun sa probinsiya nila. Kapag ang pamilya niya kasi ang may kailangan para sa negosyo, e, napakaluwag ng girl! Di nga ba, ang dami-dami nilang business sa probinsiya nila?
“Pero kapag ang mga kapatid na ng mister niya ang humihingi ng financial support sa kanila, e, humaharang siya, marami siyang sinasabing pagkontra!” sabi ng aming impormante.
Pero sa pagdaraan ng panahon ay malaki na ang ipinagbago ng female personality. Naging maluwag na siya sa mga pangangailangan ng pamilya ng kanyang asawa. Generous na siya.
“Ay, sobrang laki talaga ng ipinagbago ni girl, hindi na siya tulad nang dati na nangongontrabida sa family ng husband niya. Bukas na ang palad niya ngayon sa pagsuporta, very generous na siya, palabigay na sa pamilya ng mister niya.
“Matindi ang ginawa niyang pagbawi ngayon, lalo na sa mudra ng mister niya, okey na okey na rin sila ng mga bayaw at hipag niya. Happy family na sila ngayon, sa totoo lang!
“Napag-isip-isip niya siguro na bakit nga ba niya pagdadamutan ang mga in-laws niya, e, ang husband niya naman ang nagpapakamatay para sa milyones nila?
“Very nice, di ba naman, Bradly Guevarra, Tita Nene Ulanday, Jon at Ching Bautista Silverio? Bakit nga naman niya papakyawin ang lahat ng mga biyaya kung puwede niya namang i-share ‘yun sa mga mahal sa buhay ng asawa niya?” pagtatapos ng aming source.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.