Paano iiwasan ang stiff neck? | Bandera

Paano iiwasan ang stiff neck?

Leifbilly Begas - April 30, 2018 - 08:00 AM


MADALAS bang sumakit ang leeg mo?

Kalimitang problema sa leeg ang spinal stenosis, arthritis, o disc degeneration. Kung ganito ay magpasuri ka na sa doktor.

Pero kung ito ay simpleng chronic condition o stiff neck, baka may mali ka lang ginagawa kaya nagkakaganito.

Narito ang ilang simpleng paraan para makaiwas sa pananakit ng leeg:

Nasa unan ‘yan

Kalimitan hindi pinapahalagahan pero importante ang klase ng unan na ginagamit sa pagtulog para hindi sumakit ang iyong leeg.

Mayroong iba’t ibang pakiramdam ang tao sa unan na gusto niyang gamitin. Ang general rule sa pagpili ng unan, dapat ay nasusuportahan nito ang cervical spine ng leeg.

May mga tao na ang gusto ay mataas ang unan dahil nahihilo o hindi sila kumportable kapag mababa o manipis ang unan. Mahal man ang orthopedic pillow, pinag-aralan naman ang paggawa rito upang masuportahan ang ulo at leeg.

Marami naman ang mas gusto na matulog ng nakatagilid. Nangangailangan sila ng mas mataas na unan upang masuportahan ang leeg. Dapat ay tama lang ang taas ng unan na pantay ang leeg.

Tandaan na sa pagtulog, mas maganda kung nasusuportahan ng unan ang leeg at hindi ang ulo lamang ang nakapatong at hindi nakalutang ang leeg.

Tamang posisyon ng computer

Madalas ay nai-stress ang leeg dahil sa matagal na pagtingin sa computer monitor na hindi align sa iyong eye level.

Kapag mababa ang computer monitor, ang posisyon mo ay payuko kaya nahihirapan ang leeg.

Ito ang madalas na problema sa paggamit ng laptop kaya mas makabubuti kung hahanap ng mataas na lamesa para maiwasan ang posisyong nakayuko.

Limitahan ang paggamit sa cellphone

Isa rin ang cellphone ang may kasalanan kung bakit nanakit ang leeg. Wala namang gumagamit ng cellphone ng naka-eye level di ba?

Kaya kapag matagal na ginagamit ang cellphone ay madalas nakakaramdam ng pananakit sa leeg.

Sa paglipas ng panahon ay maaari mong maramdaman ang stress sa iyong leeg.

Ehersisyo

Makatutulong ang pageehersisyo upang mabawasan ang pananakit ng leeg. Mag-unat-unat at gawin ang chin tuck exercise.

Ang mga ehersisyo na humihila sa mga muscle na nagdurugtong sa ulo at balikat ay makatutulong upang hindi sumakit ang leeg.

Tubig

Mahalaga ang pag-inom ng sapat na tubig para mapangalagaan ang iyong discs. Ang spongy structures na nasa pagitan ng vertebrae sa iyong leeg ay mayroong liquid kaya mahalaga na hydrated ka para hindi ito matuyuan at masira.

Yung iba para masiguro na tama ang naiinom nilang tubig (dahil hindi naman nila inililista kung nakakailang baso sila sa isang araw) ay nagsi-set ng alarm. Kada dalawang oras ay umiinom ng isang basong tubig.

Posture
Ang hindi magandang posture ay nakakapagdulot ng pananakit ng leeg lalo na sa muscle at ligaments nito.

Ang karaniwang nagdudulot ng pananakit ng leeg ay ang head-and-shoulders-forward posture dahil naka-slant ang leeg papunta sa harap sa halip na nakapantay lang.

Sa bawat pulgada na naka-slant ang leeg paharap ay may dagdag na 10 pounds na bigat sa muscle sa likod at leeg.

Masahe

Mayroong ilang masahe na magagawa para mabawasan ang pananakit ng leeg. Ang leeg ay mayroong mga trigger points na maaaring imasahe para mawala o mabawasan ang sakit.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Yung iba naman ay gumagamit ng hot compress para mabawasan ang pananakit ng leeg.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending