99 porsyento ng Pinoy ramdam ang pagmahal ng bilihin | Bandera

99 porsyento ng Pinoy ramdam ang pagmahal ng bilihin

Leifbilly Begas - April 27, 2018 - 03:56 PM

APEKTADO ng pagtaas ng bilihin ang nakararaming Filipino, ayon sa survey ng Pulse Asia.

Sa survey na isinagawa noong Marso, sinabi ng 86 porsyento na labis silang naapektuhan ng pagtaas ng presyo ng bilihin. Labingtatlong porsyento naman ang nagsabi na naapektuhan sila kahit na papaano.

Tanging isang porsyento lamang ang hindi naapektuhan ng pagtaas ng presyo.

Pinakamarami ang nagsabi na naapektuhan sila ng pagtaas ng presyo ng pagkain at naitala ito sa 92 porsyento.

Partikular na tinukoy ang pagtaas ng presyo ng bigas (81 porsyento).

Malayo ito sa 72 porsyento na naitala sa survey noong Enero.

Sumunod namang naramdaman ang pagtaas ng presyo ng mga produktong may asukal gaya ng juice at softdrink na naitala sa 56 porsyento. Ang pangunahing dahilan ng pagtaas na ito ay ang pagpapatupad ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion na ipinatupad noong Enero.

Pangatlo naman ang pagtaas sa presyo ng kuryente na naitala sa 30 porsyento.

Dalawampu’t dalawang porsyento naman ang nakaramdam ng pagmahal ng gastos sa transportasyon kasama na ang pagmahal ng gasolina at diesel (16 porsyento).

Sumunod naman ang pagmahal ng liquefied petroleum gas (12 porsyento), gamot at iba pang pangangailangang medikal (9 porsyento), sigarilyo (5 porsyento), alak (4 porsyento), cellphone load (3 porsyento), tubig, (2 porsyento), gastos na pangkasiyahan gaya ng panonood ng sine, pagkain sa labas at pagbabakasyon (1 porsyento).

Ang survey ay ginawa noong Marso 23-28 at kinuha ng opinyon ng 1,200 respondents. Mayroon itong error of margin na plus/minus 3 porsyento.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending