Nagsabing mahirap kumonti- SWS | Bandera

Nagsabing mahirap kumonti- SWS

Leifbilly Begas - April 26, 2018 - 03:04 PM

KUMONTI ang bilang ng mga pamilyang Filipino na nagsabi na sila ay mahirap, ayon sa survey ng Social Weather Stations (SWS).

Ayon sa survey na isinagawa mula Marso 23-27, umabot sa 9.8 milyong pamilya (42 porsyento) ang nagsabi na sila ay poor. Mas mababa ito sa 10 milyong pamilya (44 porsyento) na naitala noong Disyembre.

Pinakamarami ang nagsabi na mahirap sila sa Visayas na naitala sa 53 porsyento. Sinundan ito ng Mindanao na 52 porsyento. Sa Metro Manila ang self-rated poor ‪ay 28‬ porsyento at sa iba pang bahagi ng Luzon ‪ay 40‬ porsyento.

Sa ilalim ng Duterte government ang pinakamataas na naitala ‪ay 50‬ porsyento noong Marso 2017.

Ang pinakamababa naman ‪ay 42‬ porsyento na unang naitala noong Setyembre 2017, ang unang survey sa ilalim ng kasalukuyang gobyerno.

Upang masabi na hindi na sila mahirap, ang dapat nilang gastusin ay hindi bababa sa P13,000 kada buwan para sa pangangailangan ng pamilya kasama na ang pamasahe sa trabaho.

Bumaba naman ‪sa 29‬ porsyento ang mga Filipino na nagsabi na pangmahirap ang kanilang pagkain. Mababa ito sa 32 porsyento na naitala noong Disyembre.

Sa ilalim ng Duterte government ang naitalang 29 porsyento na ang pinakamababa.

Para masabi na hindi na pangmahirap ang kanilang pagkain kailangan ay gumastos sila ng hindi bababa sa P6,000 kada buwan sa pagkain.

Kinuha sa survey ang opinyon ng 1,200 respondents. Ang survey ay mayroong error of margin na plus/minus tatlong porsyento.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending