JM kabado sa pagbabalik-showbiz: Pwede kasi akong madapa uli kung... | Bandera

JM kabado sa pagbabalik-showbiz: Pwede kasi akong madapa uli kung…

Ervin Santiago - April 23, 2018 - 05:28 PM

JM DE GUZMAN AT BARBIE IMPERIAL

LOOKING fresh at ang gwapo-gwapo ni JM de Guzman ngayon matapos ang halos dalawang taong pamamalagi sa rehab center.

Muling humarap ang aktor sa members ng entertainment media sa presscon ng bago niyang teleserye sa ABS-CBN, ang Precious Hearts Romances Presents Araw Gabi na magsisilbing comeback project niya sa showbiz matapos labanan mga “tukso” sa madilim niyang nakaraan. In fairness, puro papuri ang natanggap ni JM sa kanyang pagbabalik.

Inamin ng aktor na sobrang kabado pa rin siya ngayon pero mas nananaig daw ang kaligayahan sa kanyang puso dahil sa ikatlong pagkakataon ay binigyan siya na naman siya ng chance para makabangon at makapagsimula uli. Forever daw niyang tatanawing utang na loob sa ABS-CBN ang muling pagtitiwala sa kanyang kakayahan bilang artista.

“Ninenerbyos pa rin po, pero ngayon mas nangingibabaw ‘yung…nao-overwhelm po kasi ako sa mga nangyayari kaya sobrang grateful lang talaga ako,” ani JM nang tanungin kung ano ang feeling niya ngayong nakabalik na uli siya.

Malaking bahagi rin daw ng kanyang pagbabago ang “support group” na laging nasa likod niya simula pa noong pumasok siya sa rehab, “Yung support group namin, meron kasi kaming monthly requirement to attend na parang therapy sessions, mga peers ko sa loob with the support of our respective families, para tuluy-tuloy lang po yung process.”

Paano niya inaalagaan ngayon ang kanyang sarili para magtuluy-tuloy na ang kanyang pagbabago? “Kailangan maging humble enough pa rin ako to seek help, always. Kasi bilang nasa recovery process pa rin, hindi naman du’n lang ito matatapos, it’s a lifetime process, struggle or fight. So, feeling ko kapag tumigil akong manghingi ng tulong or support doon ako pwedeng madapa uli.”

Samantala, muli ngang mapapasabak si JM sa matinding aktingan sa bagong afternoon series ng ABS-CBN, ang Araw Gabi na magsisimula na sa April 30. Siya ang magbibinyag sa bagong Kapamilya leading lady na si Barbie Imperial na game na game na ring magpaseksi ngayon. Unang nakilala si Barbie bilang Pinoy Big Brother 737 housemate noong 2015.

Kahapon sa presscon ng Araw Gabi, ang seksi-seksi ni Barbie, bukod sa pa-cleavage, ang haba-haba pa ng slit ng kanyang outfit. Halos masilipan na nga ang dalaga nang umupo na ang buong cast sa harapan para sa Q&A portion. Ang ending, binigyan ng pillow ang dalaga para ipantakip sa kanyang harapan.

Iikot ang kuwento ng Araw Gabi kina Michelle (Barbie) at Adrian. Si Michelle ay isang babaeng may pusong kasing liwanag ng sikat ng araw at palaging may nakikitang maganda kahit na sa pinakapangit pang sitwasyon habang kabaligtaran naman niya si Adrian na puno ng kadiliman ang pagkatao sa kabila ng pagiging CEO ng kanilang family business.

Dahil sa kasalanang nagawa niya 18 taon na ang naka-raraan, ay binansagan siyang halimaw ng kanilang mga empleyado at salot ng mga kababayan niya sa islang kanyang pinagmulan, ang El Paraiso. Magsisimula ang mga twists and turns ng kuwento ng Araw Gabi sa pagkukrus ng landas nina Mich at Adrian sa Tranquila Resort. Dito rin mabubuking ang mga itinatagong sikreto ng dalawa na siguradong magpapabago sa kanilang mga buhay.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Kasama rin sa Araw Gabi sina Vina Morales, Ara Mina, Raymond Bagatsing, RK Bagatsing, Jane Oineza, Phoebe Walker, Hashtag Paolo Angeles, Victor Silayan, Arlene Muhlach, Eric Nicolas at Joshua Colet. Ito’y sa direksyon nina Theodore Boborol, Don Cuaresma at Mylah Gaite sa ilalin ng business unit ni Ruel Bayani. Magsisimula na sa April 30 ang Precious Hearts Romances Presents Araw Gabi sa Kapamilya Gold ng ABS-CBN.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending