Tugade sinibak ang isang opisyal ng CAAP dahil sa extortion | Bandera

Tugade sinibak ang isang opisyal ng CAAP dahil sa extortion

- April 22, 2018 - 08:18 PM

SINIBAK ni Transportation Secretary Arthur Tugade ang isang opisyal ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) dahil umano sa pangingikil.

Inalis sa trabaho si CAAP Airworthiness Inspector Rodolfo Moral, matapos ang ulat na nanghingi siya ng pera sa isang religious group kapalit ng airworthiness certification.

“Walang puwang sa departamento ko at sa administrasyon ni Pangulong Duterte ang mga corrupt! Hindi alam ng mga gaya ninyo ang tunay na kahulugan ng serbisyo publiko,” sabi ni Tugade.

Base sa imbestigasyon ng CAAP, hindi ito ang unang pagkakataon na nasangkot si Moral, isang dating Air Force Colonel, sa pangongotong.

Nagbabala naman si CAAP Director General Capt. Jim Sydiongco sa mga empleyado na hindi niya pahihintulutan ang katiwalian sa ahensiya.

“We want to send a strong message to everyone here in CAAP that we will not, in any way, tolerate corruption. That is unethical, and it should be stopped,” sabi ni Sydiongco sa isang pahayag.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending