Alden pinaligaya ang 60 loyal fans sa pa-meet & dine
SOBRANG bait at generous ng mga may-ari ng Cookie’s Peanut Butter na sina Ginoong Cookie Yatco at Gng. Joy Abalos-Yatco.
Napag-alaman namin na ang planong tatlo hanggang apat lang na avid supporters ni Alden Richards sana ang mananalo sa kanilang “Win A Date” promo ay naging 60 na dahil napakarami raw ang sumali.
Ginanap ang nasabing event sa Historia Boutique Bar & Restaurant sa Sgt. Esguerra, Quezon City kamakailan.
Isa kami sa nakasaksi sa nasabing “Meet And Dine” event ni Alden kasama ang 60 niyang loyal supporters na in fairness, mababait naman pala at behave, hindi sila ‘yung tipo ng mga fans na maiingay at magugulo.
Nagpasalamat ang aktor sa kanyang mga fans dahil sa walang-sawang pagsuporta sa kanya at sa lahat ng kanyang projects lalo na sa bago niyang ineendorsong produkto, ang Cookie’s Peanut Butter na lumakas nang husto ang benta sabi mismo ng may-ari.
Sabi nga ni Alden, “Sobrang na-appreciate ko po sila kasi lahat ng ginagawa ko sinusuportahan nila. Itong Meet And Dine po kasi na-move na nang na-move pero nandito pa rin sila.”
q q q
Timing na nakasama ni Alden ang loyalistang supporters niya dahil matagal siyang nawala sa bansa. Kasama siya sa ilang Kapuso stars na bumida sa Canada at US Tour ng GMA.
“Bonding na rin with them (supporters),” saad pa ni Alden nang makausap namin sa event.
At tungkol naman sa nakaraang US Tour niya, nag-enjoy daw siya nang husto.
“Very successful po ang show at nagpapasalamat ako sa lahat ng Kapuso na nagpunta sa New Jersey and Toronto. Worth it talaga ang pagod kasi nagpunta sila to see us and we’re happy that we’re able to deliver a good show to everyone. Ang daming nakaka-miss sa Pilipinas.
“At ‘yung sa award po sa 2018 New York Festivals, nanalo tayo ng silver medal para sa Team Alaala. Dagdag gasolina na naman po ‘yun para sa lahat na makagawa ng mga projects, mga materials for the international audience and international market para ma showcase natin ang Filipino talents in terms of doing content for the outside market,” kuwento ng aktor.
Dagdag pa niya, “Iba po ang pakiramdam kapag nagre-receive ng award doon. Iyon po ang na-realize ko na ‘ganito pala ang pakiramdam.’ All over the world po kasi ‘yun, hindi lang sa US. Meron from Russia, Wales, Japan, Korea. Ang sarap po ng pakiramdam na bilang Pinoy, meron tayong puwesto ro’n.”
At dahil pabalik-balik sa Eastcoast at Westcoast si Alden ay natawa niyang sinabi na, “Iyon pala ang tinatawag na jetsetter kaso half of the trip po nasa eroplano ako. minaximize ko talaga kasi ‘yung opportunity na nandoon and ‘yung mga mga taong naging part ng trip at ‘yung opportunity na puwede kong ma-grab while nasa US po ako.”
Nabanggit din ng aktor na nag-acting workshop siya para magamit niya sa kanyang future projects.
“Ibang klase rin pag nag-work shop abroad, iba rin ang pakiramdam. Pag nandoon ka kasi back to zero, eh. Kumbaga, ‘yung achievements mo, kapag nasa ibang territory ka na iba, so bumalik ako sa basic while doing the workshop.
“Nag-zero uli ako. Mas fulfilling kasi marami akong na-discover sa sarili ko na hindi ko pa alam. Empty talaga, alisin ‘yung narating o accomplishments. Set aside muna ‘yun. Dito (workshop) bago ka, you’re new. So it really helps po. Maraming learnings talaga,” kuwento pa ni Alden.
Wala namang binanggit si Alden kung ano na ang susunod na project niya sa GMA, ibig sabihin waiting pa rin siya sa next na assignment niya.
Hindi rin kami nabigyan ng pagkakataon na matanong si Alden kung sino ang susunod niyang magiging leading lady sa next serye niya sa GMA at kung totoo ang balita na sui Jasmine Curtis na ang makaka-partner niya at hindi na si Maine Mendoza.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.