‘Tbeeeeee Patrol! ni Noli de Castro nakakawalang-gana sa hapunan!’
THERE’S something about GMA’s 24 Oras kung bakit ito ang more preferred naming early evening news program over ABS-CBN’s TV Patrol.
Iba kasi ang atake ng pag-uulat ng mga mamamahayag sa GMA, sumasabay rin kasi ito sa kung paanong malinaw nilang naihahatid sa mga manonood ang mga nakalap nilang balita for the day.
Special mention sa amin ang mga tulad nina—in no particular order—Jun Veneracion, Cedric Castillo, Steve Dailisan and another guy whose name momentarily escaped our memory. Bukod kasi sa malakas ang kanilang on-cam personality (in short, ma-appeal), they know what they’re talking about.
Sa hanay naman ng mga newshens, ipaglalaban namin nang pukpukan ng daliri sina Mariz Umali, Saleema Refran (who’s as healthy as her day’s news reports), Susan Enriquez (who has an impeccable command of the native tongue).
‘Yung iba’y “puede pasar” na who should further brush up on on-the-spot reportage, bagay na in fairness ay hindi naman madali.
This bunch of field reporters is what sets the GMA news department apart from its rival. Pero teka lang muna.
Nitong Huwebes ay pambungad na balita ng 24 Oras ang tungkol sa pagsagip sa ilan nating mga OFWs sa Kuwait na tumakas mula sa kanilang mga malulupit at abusadong amo.
Naka-chargen (prounced ‘kar-jen’) o graphics ang ulo ng balita: “Rescue in the dessert.”
Matagal ang pagkakababad ng nasabing headline, na siyempre’y hindi nakaligtas sa aming pansin ang spelling ng salitang “dessert.”
Hindi totally maaaring isisi ito sa kung sinong reporter o correspondent na na-assign sa Kuwait ang naghatid ng ulat.
Posible kasing tama ang pagbaybay niya sa hard copy ng script, nagkamali lang ng pagtipa sa keyboard ang naka-assign na chargen operator (na kadalasang isinasabay na sa live broadcast ang pagsu-superimpose ng mga graphics o GFX sa mga materyales).
Pero para hayaang nakababad ang misspelled word nang ilang segundo ay dapat agad ding ginawan ng paraan, and how?
Ia-out lang ang buong linya kung saan may mali, ita-type uli at saka isu-superimpose uli (maliban na lang kung canned material na ‘yon na imposible nang baguhin).
q q q
Bagama’t it’s still the weight of the news story that matters the most, ang mga simple at basic na pagwawasto lalo’t major headline pa ‘yon ay dapat binibigyan ng ibayong pag-iingat.
Hindi ang basic na bagay na ito ang minus point ng 24 Oras over TV Patrol, but when a practice is committed many times over, it doesn’t speak well of a news organization.
Samantala, why 24 Oras and not TV Patrol?
Insignificant or trivial as it may sound, naaasiwa kami sa tuwing magku-cue ng commercial si Noli de Castro.
Nagra-run down kasi siya ng iba pang aabangang balita “sa pagbabalik ng ‘TBeeeeeeee Patrol’!”
Hindi naman spelling ang issue rito kundi wastong pagbigkas o delivery.
Kung nagkataong naghahapunan ang nanonood ng mga sandaling ‘yon, tiyak na mawawala ang gana niyang kumain.
Sukat ba namang marinig niya ang pagkahaba-habang “tibeeeee” ni Kabayan, hindi pa man siya nabusog sa kinain niya…nagtibe na!
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.