Gabby, Mark may ibubuking sa pa-b-day ni Regine | Bandera

Gabby, Mark may ibubuking sa pa-b-day ni Regine

|April 21,2018
facebook
share this

Gabby, Mark may ibubuking sa pa-b-day ni Regine

- April 21, 2018 - 12:40 AM


ISANG maSARAP na birthday celebration para sa nag-iisang Asia’s Songbird at Cooking Diva na si Regine Velasquez-Alcasid ang magaganap ngayong Sabado ng umaga sa Sarap Diva ng GMA 7.

Makikisaya sa bonggang selebrasyon sina Kapuso premiere actor Gabby Concepcion at world-class singer Mark Bautista. Abangan ang nakakatuwang kuwentuhan at bukingan nina Regine, Gabo at Mark na siguradong ikaka-shock ng mga manonood. Of course, bongga rin ang kantahang magaganap with Regine, Gabby and Mark.

At siyempre, dapat n’yo ring alamin ang mga wish ng mga taong nagmamahal kay Songbird sa kanyang birthday.

At matapos nga ang mahabang panahon, makikita muli ng Kapuso viewers ang iconic TV character na si Manang Bola! “Ba-Be-Bi-Bo-Bu!” Ano nga kaya ang nakikita ni Manang Bola sa kanyang perlas na bilog para sa kaarawan ni Regine.

Abangan lahat ‘yan ngayong umaga sa favorite Saturday tambayan n’yo, ang Sarap Diva bago mag-Eat Bulaga.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending