Walang TIN, SSS contribution hindi inihulog
MADAM, ang anak ko po kasi ay nag-resign na po sa trabaho niya. First job niya po, nag start siya noong June 2017 hanggang March 2018.
Nang mag-file po siya ay hinahanapan siya ng kanyang TIN (Tax Identification Number). Hindi niya raw po makukuha ang pera niya hanggang hindi siya nakakapagbigay ng TIN, at ang kangyang salary card ay kinuha na.
Tama po ba ‘yon na siya ang mag-apply ng kanyang TIN? Hindi po ba ang kumpanya na pinapasukan niya ang dapat gumawa noon? Nagpunta na rin po siya sa BIR Trece, Dasmarinas, Cavite at sinabi sa kanya na kailangan na kumpanya ang mag-request. Noong nagtatrabaho pa siya sa kumpanya niya, sana hinanapan na siya ng TIN o pinag apply na siya, tapos ngayon lang nila ito hahanapin, ngayong wala na siyang trabaho.
Hanggang sa ngayon po hindi alam ng anak ko kung makukuha niya pa ang kanyang pera sa kumpanya.
Ang SSS naman po niya ay isang beses lang nahulugan nang mag check po kami sa SSS. Pero ang PAGIBIG AT PhilHealth ay pupunta pa lang po kami.
Salamat po.
MR RUBEN BITARA
09194909388
REPLY: Ito po ay bilang tugon sa katanungan ni G. Ruben Bitara kung saan inaalam niya kung ano ang maaaring gawin ng kanyang anak na bagama’t nagtrabaho sa isang kumpanya mula Hunyo 2017 hanggang Marso 2018, ay iisa lamang ang kontribus-yong naka-post sa records nito sa SSS.
Pinapayuhan po namin ang anak ni G. Bitara na magsadya sa pinakamalapit na tanggapan ng SSS para makapaghain ng pormal na reklamo laban sa dating kumpanya nito.
Sa ganitong paraan, bibisitahin ng aming account officers ang kumpanya upang malaman ang dahilan kung bakit iisa lamang ang hulog na lumalabas sa records ng SSS.
Maaari pong may kulang lang na dokumentong naisumite ang employer kung kaya’t hindi naipopost ang mga hulog ng anak ni G. Bitara.
Ngunit kung mapapatunayan ng aming account officer na hindi ipinagbayad ng kumpanya ng kontribusyon ang anak ni G. Bitara kasama ang iba pang empleyado ng naturang kumpanya, magsasagawa ng hakbang ang SSS upang ang mga kontribusyong ito ay mabayaran ng kumpanya kasama ang penalties nito.
Ang mga employer na hindi nagreremit ng mga hulog ng kanilang mga empleyado sa SSS ay maaaring makulong ng hindi bababa sa anim na taon at isang araw hanggang 12 taon at pagbabayarin ng multa ng hindi bababa sa P5000 hanggang P20,000 kasama pa ang mga kontribusyong hindi naibayad pati ang penalties nito.
Sana ay nabigyan namin ng linaw ang
inyong katanungan.
Sumasainyo,
May Rose DL
Francisco
Social Security
Officer IV
SSS Media Affairs Department
May nais ba kayong isangguni sa Aksyon Line? Maaari kayong sumulat sa aming tanggapan Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola st. cor. Pasong Tirad st., Makati City o kaya ay mag-email sa [email protected] or jenniferbilog1977@ gmail.com.
Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapaglingkuran sa abot ng aming makakaya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.