P60M na hindi inilabas na pondo ng SAF pinaiimbestigahan ni Lacson | Bandera

P60M na hindi inilabas na pondo ng SAF pinaiimbestigahan ni Lacson

- April 18, 2018 - 04:21 PM
PINAIIMBESTIGAHAN ni Sen. Panfilo Lacson sa Senado ang ulat na hindi inilabas ang P59.8 milyong pondo para sa daily allowance ng mga miyembro ng  Special Action Force (SAF). Nauna nang nagsampa ng kasong plunder at malversation laban sa mga dating opisyal ng  SAF. Samantala, inatasan ni outgoing police chief Director General Ronald dela Rosa, na sibakin si  Director Benjamin Lusad, dating head SAF Directorate for Integrated Police Operations. Noong Martes, inihain ni Lacson ng Senate Resolution No. 712, na nagdidirekta sa Senate committee on public order and illegal drugs, na kanyang pinamumunuan na imbestigahan ang kontrobersiya. Idinagdag ni Lacson na nilapitan siya ng mga miyembro ng SAF para magsumbong kaugnay ng isyu. “We cannot allow, yet again, another injustice to be committed against our heroes in uniform,” sabi ni Lacson.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending