Chito tumigil sa pagyoyosi para sa asawa’t anak
MAGSILBI sanang inspirasyon ang bokalista ng Parokya Ni Edgar na si Chito Miranda sa mga Pinoy na nahihirapang tumigil sa pagyoyosi.
Sa kanyang Facebook account, idinetalye ni Chito kung paano siya nagtagumpay sa pag-quit sa paninigarilyo na sinimulan niya noon pang grade six siya.
Narito ang litanya ni Chito: “Subok subok lang para cool kunyari. Tapos medyo dumalas nung 2nd year highschool dahil kay Buwi hehe! Magtatago kami sa gilid ng chapel sa tabi ng bahay nila tapos magyoyosi lang kami dun habang nagkukwentuhan.
“Pagpatong ng 3rd year highschool, nagsimula na akong bumili ng sarili kong pack at mag-yosi araw araw. Dun na nagtuluy-tuloy. That was 1992,” pahayag pa ng singer.
Inamin din niya na dumating din ang puntong hindi na siya makapag-perform nang maayos kapag hindi nakakapagyosi.
“Sa katunayan (at alam ng mga kabanda ko ‘to, pati ng mga sound engineers namin), na di ko kayang kumanta ng maayos ng hindi naka-yosi. Ang normal process namin during recording was, kakanta muna ako paulit-ulit para aralin yung kanta at yung delivery ng vocals, and once alam ko na kung paano ko gusto kantahin yung song, mag-yoyosi ako sandali, tapos pagbalik ko sa vocal booth, sakto na yung timpla at quality ng boses ko.”
Pagpapatuloy pa ng Parokya Ni Edgar vocalist, “Kinasal ako and started a family. Tinigil ko ng todo ang paninigarilyo nung pregnant si Neri (Naig) kasi ayoko ma-contaminate yung baby namin hehe! And nung lumabas si Miggy, nag-decide ako to live as healthy as possible, kasi gusto ko maalagaan ng todo ang pamilya ko hanggang sa pagtanda.
“Pero pinanindigan ko at sinanay ko yung sarili ko na kumanta nang hindi naka-yosi. Eventually, nasanay din ako, at ayun…pangit pa rin boses ko. Wala naman yatang nakapansin hahaha,” aniya pa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.