Kilalang hunk actor simpleng rumaket, magaling manggamit ng babae | Bandera

Kilalang hunk actor simpleng rumaket, magaling manggamit ng babae

Cristy Fermin - April 16, 2018 - 12:15 AM


NADAGDAGAN na naman ng isang pangalan ang hanay ng mga artistang user sa paningin ng mga taong nakakasama niya sa trabaho. Isang kilalang male personality ang sinasabi ngayon na ipinaglihi sa mangga, as in, manggagamit.

Simple lang daw kung umasta ang lalaking personalidad pero talagang user siya at mahilig magpaasa.

Magaling daw siyang magpasakay ng mga kababaihan basta meron siyang magiging pakinabang.

Kuwento ng isang source, “Magaling sa ganu’n si ____ (pangalan ng hunk personality), parang minaster na niya ang pagpapasakay sa mga girls. Marami na kaya siyang pinaasang babae?

“Basta alam niyang magkakaroon siya ng advantage sa situation, go agad ang lalaking ‘yun! Tingnan n’yo ang ginawa niya sa isang magandang nakasama niya sa isang serye?

“Di ba, pinaniwala niya ang mga kasamahan nila na type na type niya ang babae? May alam pa nga siyang pampakilig, pinaniniwala niya ang mga fans ng girl na mahal na mahal niya ‘yung tao!

“Pero ano ang nangyari? Di ba, hindi naman totoo ‘yun? Pinasakay lang niya ang mga tao, pero ang totoo, nakatulong kasi sa career niya ang kanyang drama na magkarelasyon sila ng girl!” simulang kuwento ng aming impormante.

Naging karelasyon ng male personality na ito ang isang magandang aktres, nagtagal din naman sila, pero nabuking ng aktres na sila na ay nagpi-flirt pa rin ang lalaki sa ibang babae.

“Ayun! Iniwan siya ng girl, may pinaaasa na naman kasi siyang girl, talagang ipinaglihi sa mangga ang lalaking ‘yun, user! At may bago na naman siyang ipinakikilalang girl ngayon.

“Sana nga, hindi lang siya nakikisabay sa uso, marami kasing male personalities ngayon na ang nagiging karelasyon, e, mga players! Sana, totohanin na niya ang girl!

“Sino siya, Bradly Guevarra at Tita Nene Ulanday? Sino siya, Jon at Ching Bautista Silverio, sino nga ba siya? Huwag siyang roroko-roko ngayon, ha?” pagtatapos ng aming source.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending