Pelikula ni Kris kasama ang KathNiel baka mabulilyaso pa | Bandera

Pelikula ni Kris kasama ang KathNiel baka mabulilyaso pa

Cristy Fermin |April 12,2018
facebook
share this

Pelikula ni Kris kasama ang KathNiel baka mabulilyaso pa

Cristy Fermin - April 12, 2018 - 12:05 AM


SINASABI na nga ba. Mukhang magkakaroon na naman ng bulilyaso sa pelikulang gagawin ni Kris Aquino para sa Star Cinema kasama ang sikat na loveteam nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo.

Isang mapagkakatiwalaang source ang nagsabi sa amin na nang makipag-usap pala si Kris sa mga taong may kinalaman sa proyekto ay sinabihan at pinakiusapan siya ng mga ito na huwag munang maglalabas ng anumang impormasyon tungkol sa plano.

Pero nagulat ang kanyang mga kausap dahil oo, nagpalampas nga siya nang maghapon, pero kinabukasan ay naglabas na ng post si Kris na meron siyang pinaghahandaang proyekto sa Star Cinema.

Hindi siya nakapagpigil, talagang lumutang na naman ang pagiging daldakina ng aktres-TV host, ‘yun ang dahilan kung bakit agaran ding binura ni Kris ang inilabas niyang impormasyon.

Sabi ng aming source, “Kung bakit naman kasi pinakiusapan na nga siyang huwag maglalabas ng kahit anong info, e, naglabas pa rin siya! Hindi niya talaga kayang manahimik!

“Kapag hindi natuloy ang project na ito, e, siya na naman ang puputukan ng sisi!” madiing pahayag ng aming source.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending