Maine sa FB Live lang nanood ng concert ni Ed Sheeran: Promise watch ako sa next show!
NAGTIYAGA lang si Maine Mendoza sa panoood ng concert ng award-winning foreign artist na si Ed Sheeran sa Facebook Live na ginanap sa SM MOA Grounds nitong nakaraang weekend.
May playlist pa si Meng ng mga kanta ni Sheeran na inaabangan niyang kakantahin nito na ipinakita pa niya sa kanyang Twitter.
“I love you, @edsheeran! And I dream to see and hear you perform Lego House live. (My favourite song of yours). Sadly, #TeamFBLve ako tonight but I promise to see your on your next show! Huhu #DivideTourManila #teambyahe.” ang mensahe ni Maine.
‘Yun nga lang, may moments na nawawala ang pinanonood niyang FB Live.
“Hoy piñata na ni kuya yung FB Live!!!!! Pengeng ibang link!!!!” tweet pa ng ka-loveteam ni Alden Richards.
“Hoy piñata nya ulit after Tenerife Sea anuna!!!” dagdag niyang tweet.
Pinasalamatan naman ni Meng ang isang tinawag niyang Kuya Donver pati na ang iba pang naki-FB live sa concert ni Ed Sheeran.
Of course, kung ang fave rock band niyang Coldplay ang nag-perform, walang dudang susugod si Meng gaya nu’ng nakaraang bumsita sa bansa ang sikat na rock group.
Samantala, matapos ang second leg na “Sikat Ka Kapuso” sa Toronto, Canada, kasama sina Dingdong Dantes, Denni Trillo, Jennylyn Mercado, Lovi Poe at Betong Sumaya, lumipad naman patungong Las Vegas, Nevada ang Pambansang Bae.
Isa siya sa magiging presenter sa gaganaping New York Festivals International Television and Movie Awards.
Binigyan din kasi ng recognition ang ginawa niyang docu-drama sa Kapuso Network na Alaala (Remember): A Martial Law Special kung saan siya ang lead actor. Bukod kay Alden, presenter din ang GMA’s pride na si Jessica Soho.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.