Alden tatapusin muna ang bagong album bago mag-teleserye
NEW York bound muna si Alden Richards kahapon bago bumiyahe patungong Toronto, Canada at New Jersey para sa “Sikat Ka Kapuso” shows sa magkahiwalay na lugar.
Iniwanan muna ng Pambansang Bae si Mengganita (Maine Mendoza) ng Pamilya Nunal pati na si Ken Doll (Ten Ten) ni Boss Madame (Ryzza Mae Dizon). Siyempre, TV star na ang personal assistant na si Ten kaya di siya pwedeng mag-absent sa segment niya sa Eat Bulaga, huh!
Sa pagbabalik ni Alden, uunahin niya muna ang recording ng kanta sa bago niyang album under GMA Records. Isa sa kantang nakapaloob sa album niya ay ang version niya ng love song na “I Will Be Here” na ni-revive din ni Gary Valenciano.
Bukod sa pagiging love track, swak din ito bilang inspirational song kaya bagay rin sa image ni Alden na religious at maka-Diyos!
Sa lahat naman ng nagtatanong sa amin kung kailan na mapapanood ang bagong serye ni Alden sa GMA at kung sino ang makakatambal niya, abangan na lang natin!
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.