Paolo nagladlad kay Maine: Ikaw ang magbubukas ng sarili mong 'closet' sa mundo, hindi ibang tao! | Bandera

Paolo nagladlad kay Maine: Ikaw ang magbubukas ng sarili mong ‘closet’ sa mundo, hindi ibang tao!

Jun Nardo - April 05, 2018 - 12:10 AM


APAT na kuwento ang tampok sa panimulang salang ng Humans of Barangay project ni Maine Mendoza na ni-launch sa isang Face Book page last April 3.

Featured ang kuwento nina Jose Manalo, Wally Bayola, Paolo Ballesteros at dalawang bading.

Nagsilbing inspirasyon kay Meng ang pagiging bahagi niya ng “Juan For All All For Juan” ng Eat Bulaga upang maisakatuparan ang bagong adbokasiya kung saan iba’t ibang tao ang kanyang nakakausap at nakakasalamuha araw-araw.

Ang FB page ni Brandon Stanton na Humans of New York ang nagsilbing inspirasyon ng Dubsmash Queen upang gawin ang proyekto. “My goal is to inspire more people through stories of others,” katwiran ni Maine.

Sa parte ni Paolo, ang paglaladlad bilang bading ang kanyang ibinahagi. Parte ng pahayag ni Pao, “Just take your time, kahit 100 years pa yan, ikaw ang bahala. Kasi ikaw ang magbubukas ng sarili mong ‘closet’, hindi ibang tao.”

Payo naman sa mga kabataan ang ipinarating ni Jose na huwag maging mapusok at huwag ding sugod nang sugod.

“Kasi may mga desisyon tayong akala natin ay tama, pero sa dulo lang natin malalaman na mali pala. At laging tandaan, sa buhay tatlong A lang yan: ambisyon, abilidad, agrikultura (laughs). Hindi, Aksyon! Aksyon!”

Ang karanasan bilang komedyante ang ibinahagi naman ni Wally. Natutuwa siya at nakakapagpasaya siya ng tao, “Yun nga lang minsan, kahit seryoso ka na, hindi ka pa rin sineseryoso ng mga tao. Kasi nga komedyante ka.”

Isinalaysay naman ng magkaibigang bading kung paano sila laitin at i-down ng mga tao dahil sa kanilang sexual preference.

Pinapurihan ng mga tao, netizens at reviewers ang Humans of Barangay project ni Maine.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending