James sa kasal: Off limits, hindi namin pinag-uusapan ni Nadine!
KUNG may isang subject na hindi pinag-uusapan o iniiwasan nina James Reid at Nadine Lustre, ‘yan ay walang iba kundi ang “kasal.”
Naniniwala ang magdyowa na may tamang panahon para sa usaping pagpapakasal at sa ngayon daw, wala pa talaga sa priority list nila ang salitang kasal.
“No. I think that’s one of the things we don’t talk about. Off limits,” ang pahayag ni James sa isang TV interview.
Bata pa raw sila para seryosohin ang usaping kasal, sabi ni Nadine. Aniya pa, “We still want to do a lot of things pa.”
Samantala, sa panayam ng Rated K kina James at Nadine, ikinuwento nila kung paano nagsimula ang kanilang love story. Inamin nilang umabot din sila sa stage ng pagiging “frenemies” (friends and enemies).
“We were friends since the very beginning, ang naging reason kung bakit nangyari ay nung nag-away kami,” ayon kay Nadine.
Hirit naman ni James, “There was a stage when we were enemies. Minsan away, minsan hindi. It’s weird.”
Dito, na-realize raw ni James kung gaano kaimportante sa buhay niya si Nadine, “After we fought, we weren’t friends anymore and I realized how important she was to me.”
Nang tanungin ni Korina Sanchez kung nasaang stage na ang kanilang relasyon ni Nadine, ani James, “We are somewhere in between honeymoon and the comfortable stage.”
Kasunod nito, diretso ring sinabi ng binata na nag-aaway pa rin sila ng kanyang girlfriend hanggang ngayon, “Honestly, I don’t think it’s that frequent compared to other couples that I know, other relationships I’ve had.”
Chika naman ni Nadine, “If we fight parang mag-aayos muna kami and then we talk about it.”
In fairness, sa kabila ng sandamakmak na intriga tungkol sa kanilang relasyon, nananatili pa ring matatag ang kanilang pagsasama.
Sabi nga ni Nadine, ang mahalaga alam nila ni James kung ano ang totoo at kung ano ang tsismis lang.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.