Mga kalansay, bomba natagpuan sa Marawi City | Bandera

Mga kalansay, bomba natagpuan sa Marawi City

- April 01, 2018 - 04:46 PM
SINABI ng militar na natagpuan ang mga kalansay at hindi sumabog na mga bomba sa Marami City  matapos namang ang nangyaring bakbakan sa pagitan ng mga tropa ng gobyerno at teroristang grupong Maute na umabot ng limang buwan simula nang magsimula noong Mayo 23, 2017. Sinabi ni Col. Romeo Brawner, deputy commander ng Joint Task Force Ranao na simula ng ideklara ang kalayaan sa Marawi noong Oktubre, 2017, walong kalansay ang narekober ng mga sundalo. Pinayagan namang makabisita ang mga residente sa tinaguriang ground zero sa Marawi City Idinagdag ni Brawner na nakarekober din ang mga sundalo ng mga hindi sumabog na ordnance at bomba, na nagsisilbing banta sa mga bumabalik na mga residente sa ilalim ng  Task Force Bangon Marawi’s Kambisita program. Tinatayang  7,000 mga nawalan ng tirahan ang nakatakdang bumisita ngayong araw sa kani-kanilang bahay sa loob ng  sector 1, na matatagpuann sa barangay Tolali.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending