Bilin ni Ai Ai sa Ex-Battalion: Magpabango lagi, baka sabihin ng fans ang babaho n'yo! | Bandera

Bilin ni Ai Ai sa Ex-Battalion: Magpabango lagi, baka sabihin ng fans ang babaho n’yo!

Alex Brosas - March 27, 2018 - 12:35 AM

Larawan mula sa Instagram/ @msaiaidelasalas

BALAK ni RS Francisco, founder ng Frontrow na dalhin sa abroad ang Ex Battalion for shows and concerts. Ang Ex Battalion ang latest endorser ng Frontrow.

“Ang sinabi ko nga kay Ai Ai (delas Alas, manager ng grupo), bakit hindi gumawa ng concert abroad. Ba’t di natin gawin Ex Batalion concert kasi we have members all over the world. Frontrow has branches in Dubai, Singapore, Abu Dhabi. ‘Yun ang gusto ko lang.

“I wanna travel along with the Chicsers (social media sensation) also. Kasi alam n’yo po ngayon, ang mga millennial ang hilig nila sa mga GT-GT (get together), picture-picture, GT-GT. Ang term natin doon ay fan’s day. Pero ang tawag nila ngayon GT na,” say ni RS.

Aminado naman si Ai Ai na, “May mga pasaway din pero mild lang. Hindi ‘yung talagang hindi mo kakayanin. Kayang-kaya ko sila.”

“Unang-una, kaya sikat ‘tong mga ‘to ay dahil mababait sila. Good hearted ang mga boys, isa ‘yan sa mga dahilan kung bakit sila sikat.

“Pangalawa, galing sila sa mababa talaga kaya ‘yung mga ne-experience nila tinataboy sila ang everything. I think ‘yun ‘yung bala nila para sa pag-angat para hindi sila mayabang. Actually, mababait sila, seloso lang.”

Kuwela ang mga habilin ni Ai Ai para sa Ex Battalion, “Magpabango kayo kapag nadiyan na ang mga fans. Baka ang babaho ninyo. Nakakahiya sa mga fans at baka sabihin ang babaho ng Ex Battalion!”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending