Sofia nahirapang magpapayat para sa Bagani: Mahilig kasi akong kumain!
NAGSANIB-PUWERSA na ang mga bida ng Bagani para labanan ang Sansinukob na naging dahilan din para hindi matuloy ang kasal nina Ganda (Liza Soberano) na isang TagaPatag at Lakam na mula sa angkan ng Mangangalakal.
Marami na namang nagbuwis ng buhay kaya nagpasya sina Ganda at Lakam na harapin si Sansinukob kasama sina Mayari (Sofia Andres) na Tagalaot, Dumakulem (Makisig Morales) na Tagagubat at Lakas (Enrique Gil) mula sa Disyerto.
Si Sansinukob ay alaga ng magkapatid na sina Apo (Diether Ocampo) at Sarimaw (Ryan Eigenmann) na siyang nag-utos para guluhin ang mga tagalupa.
Ipinahiram ni Apo ang lakas niya para makayanang labanan ng mga Bagani si Sansinukob hanggang sa magapi nga.
Base sa napanood naming episode ay hindi puwedeng hindi nag-training sa martial arts ang mga Bagani dahil may kanya-kanya silang istilo. At inamin naman ito ni Sofia sa nakaraang presscon ng Bagani.
“We had training for one month, including Wushu and I had to lose weight because I was really kinda chubby. ‘Yun medyo nahirapan ako du’n because I love eating,” sabi ni Mayari.
Ito ang unang pagkakataon ng dalaga na makasama sa aksyon serye, “It was really challenging because it was like action and I haven’t done an action teleserye ever, even film. So, it was fun naman because I was with my friends like Enrique, Liza and Makisig.”
Samantala, muling humingi ng dispensa si Sofia sa mga nasaktan niyang bloggers at kasamahan sa panulat sa maling inasal niya sa isang presscom at sana raw ay bigyan siya ng tsansa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.