FINALLY “nag-propose” na si Miguel Tanfelix sa kanyang ka-loveteam na si Bianca Umali sa mismong debut celebration ng dalaga nitong nagdaang Sabado.
Naganap ang 18th birthday party ni Bianca sa EDSA Shangri-La Hotel sa Mandaluyong na dinaluhan ng kanyang pamilya at malalapit na kaibigan in and out of showbiz.
Sa pagitan nga ng 18 treasures at 18 candles ng debut, nagbigay ng kanyang speech si Miguel kung saan tinawag niya si Bianca na kanyang best friend at soulmate.
Sey ng Kapuso teen actor, “Sobrang bilis lang ng panahon na hindi ko ine-expect, ang daming nangyari, and now 18 years old ka na. Finally, puwede ko nang sabihin sa ‘yo yung matagal ko nang gustong sabihin.”
Tumingin muna si Miguel sa lola ng dalaga na si Gng. Victorina sabay sabing, “Mama Vicky, nga-yong eighteen na po si Bianca, hihingin ko po sana yung permiso niyo…puwede ko po bang i-express kung ano po yung nararamdaman ko para sa magandang dalaga dito?”
“Andito pala yung buong angkan nila. Manliligaw pa lang naman po ako kay Bianca, especially sa inyo, kailangan ko pa pong kunin yung loob niyo,” sabi ng binata.
Muli siyang tumingin kay Bianca, “Since day one, kahit sinusungitan mo ‘ko, gusto kong malaman mo na yung support ko sa ‘yo, hindi mawawala yun.
“Puwede kong sabihin na forever akong nasa tabi mo kung kailangan mo ng kausap. Kapag may problema ka, lagi akong nandito.
“Ngayong 18 ka na, alam kong maraming opportunities na darating sa ‘yo. I wish na maging responsible ka sa mga decisions na gagawin mo sa buhay and nandito lang kami,” pagtatapos ni Miguel.
Ito naman ang naging sagot sa kanya ng lola ni Bianca, “Hinay-hinay lang, darating din ang tamang panahon.”
Napaluha naman si Bianca matapos ang madamdaming mensahe ni Miguel. Bukod sa kanyang “proposal”, niregaluhan din ng binata ang kanyang ka-loveteam sa seryeng Kambal, Karibal ng all-expense-paid trip to Japan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.