INIHAYAG ng Pinagkaisang Samahan ng mga Tsuper at Operator Nationwide (Piston) na tuloy ang kanilang tigil-pasada bukas para tutulan ang jeepney modernization program na isinusulong ng gobyerno.
Sinabi ni Piston president George San Mateo na lalahok ang mga driver, operator at mga manggagawa sa isasagawang mga kilos-protesta.
Nakatakdang isagawa ang sentro ng protesta sa Cubao sa kahabaan ng Aurora Boulevard sa harap ng Cubao Elementary School.
Nakatakda ring isagawa ang mga kilos-protesta sa Alabang Viaduct, Monumento Circle, Novaliches-Bayan, at Anda Circle sa Maynila.
Idinagdag ni San Mateo na magsisimula ang transport holiday ganap na alas-12:01 ng umaga, samantalang magsisimula ang mga programa para sa mga kilos-protesta ganap na alas-6 ng umaga.
“Hindi po tayo tutol sa modernization pero tutol tayo sa Jeepney Phase Out na isinusulong ng pamahalaan sa ilalim ng pekeng negosyong modernization program,” sabi ni San Mateo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.
What's trending