Du30 nagsagawa ng aerial inspection sa nasusunog na Manila Pavilion
NAGSAGAWA si Pangulong Duterte ng aerial inspection sa nasusunog na Manila Pavilion kung saan tatlo na ang naiulat na nasawi.
Sinabi ni Special Assistant to the President Christopher “Bong” Go na mula sa pagdalo sa pagtatapos ng Philippine Military Academy (PMA), dumiretso si Duterte aerial inspection bago bumalik ng Palasyo.
“President Rodrigo Duterte before going back to the Palace, flew over Manila Pavillion to check the damage caused by the fire that hit the hotel and another nearby area which was also hit by a conflagration,” sabi Go.
Nagsimula ang sunog ganap na alas-9:30 ng umaga at patuloy pang inaapula ang sunog habang isinusulat ang balitang ito.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.
What's trending