4 patay matapos sumiklab ang sunog sa Manila Pavilion
PATAY ang apat na katao, samantalang anim na iba pa ang nasugatan nang sumiklab ang sunog sa Manila Pavilion hotel kaninang umaga, ayon sa sa isang ng Manila Disaster Risk and Reduction Management (MDRRMO).
Sinabi ni MDRRMO Director Johnny Yu na nagsimula ang sunog sa ikalawang palapag ng hotel-casino.
Idinagdag ni Yu na dinala ang mga biktima sa Manila Doctors Hospital.
Ani Yu may mga nakulong pang mga tao sa ika-limang palapag ng hotel.
“Around 19 to 20,” sabi ni Yu, kaugnay ng mga pinagniniwalaang nakakulong sa ika-limang palapag.
Idinagdag ni Yu na nagsimula ang sunog ganap na alas- 9:30 ng umaga at umabot ng Task Bravo ganap na alas-11:30 ng umaga.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.