Ryza tinawag na kabit at baliw: Diyan ka sa Canada magpaka-bossy wag dito sa Pinas!!! | Bandera

Ryza tinawag na kabit at baliw: Diyan ka sa Canada magpaka-bossy wag dito sa Pinas!!!

Ervin Santiago - March 18, 2018 - 12:05 AM

RYZA CENON

SPEAKING of bashers and haters, hindi rin pinalagpas ng Kapuso actress na si Ryza Cenon ang isang netizen na tumawag sa kanya ng “KABIT NA BALIW”.

Nagtapos na kahapon ang afternoon serye ni Ryza sa GMA na Ika-6 Na Utos kasama sina Sunshine Dizon at Gabby Concepcion, pero mukhang affected pa rin ang mga manonood sa kontrobersyal na tema nito tungkol sa mga kabit.

Nagmarka ang kontrabidang karakter ni Ryza sa serye bilang si Georgia kaya naman apektado pa rin ang mga tumutok dito kahit tapos na ang programa.

Bago ang ending ng Ika-6 Na Utos, nag-post ng quote card si Ryza sa kanyang Instagram account na nagsasabing, “Be strong, but not rude. Be kind, but not weak. Be bold, but don’t bully. Be humble, but not shy. Be confident, but not arrogant.”

Nilagyan pa niya ito ng caption na: “Be nice to everyone. Wala naman mawawala e.”

Sa comments section, isang netizen ang nagsabing, “Alam mo naman pala yang salita na yan eh! Apply mo kaya sa sarili mo Georgia!”

Sinagot naman ito ng isa pang netizen na tila sineryoso ang nasabing komento, sabi ni @lizzo2, “I agree… wala yang kaluluwa… who know in real ganyan sya… you’ll never know GEORGIA, KABIT NA BALIW!!!!”

Nabasa ito ni Ryza kaya agad na rumesbak, “Kasasabi lang BE BOLD, BUT DON’T BULLY. BE CONFIDENT, BUT NOT ARROGANT.

“Paki unfollow na lang mahirap makausap sa mga sarado ang utak kagaya mo. #tangalangangpeg.”
Bwelta naman sa kanya ng netizen, “Excuse me but I’m not following YOU… I don’t intend to… Canada is a free country… don’t tell me what to do.”

Ito naman ang sagot ni Ryza sa kanya, “So bakit ka rin nakekealam? Bakit updated ka? Patawa!! Yung kausap mo wala sa Canada nasa Pilipinas kasi ko. Diyan ka sa Canada magpaka bossy wag dito sa Pilipinas.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending