2 anak ni Dolphy magkasunod na namaalam; Rolly Quizon, 59
PUMANAW na ang isa pang anak ni Comedy King Dolphy, ang dating actor na si Rolly Quizon na nakilala noon sa sitcom na John En Marsha.
Kinumpirma ng pamilya ni Rolly ang malungkot na balita. Siya ay 59 years old. Nag-post ang dating partner ni Mang Pidol na si Zsa Zsa Padilla sa kanyang Instagram account ng “RIP” patungkol nga sa pagyao ni Rolly.
Bukod sa long-running sitcom na John En Marsha na pinagbidahan ng kanyang ama, isa pa sa hindi malilimutang proyektong ginawa ni Rolly ay ang pelikulang “Burlesk Queen” kasama si Vilma Santos.
Last week, isa pang anak ni Dolphy ang sumakabilang-buhay, si Dino Quizon na sandali ring naging bahagi ng showbiz noon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.