“BAKLA! Bakla! Bakla!” ‘Yan ang isa sa mga natatanggap na biro ni Keempee de Leon mula sa mga taong tuwang-tuwa sa pagganap niyang bading sa mga teleserye ng GMA 7.
Mukhang nasanay na nga ang mga tao na makita si Kimpoy na gumaganap na gay sa mga programa sa TV at mukhang magtatagal pa ito dahil effective naman ang ginagawa niyang pagbading-badingan.
Pero sabi ni Keempee, ayaw naman daw niyang habambuhay na lang siyang gaganap na bading, may gusto pa raw siyang patunayan sa pagiging aktor niya aside from portraying gay roles. Hulaan n’yo kung ano ang type gampanan ni Keempee sa susunod niyang project sa GMA – gusto naman daw niyang maging kontrabida.
Sa pakikipagchikahan ng BANDERA kay Keempee, nai-share niya ang tungkol sa kanyang 14-year-old na anak na si Samantha at ang mga naunsiyami niyang pag-ibig.
BANDERA (B): Kumusta ka na? Happy ka naman ngayon sa buhay mo?
KEEMPEE DE LEON (KDL): Oo naman. Masaya kasi sunud-sunod ang work. Sobrang dami ng blessing na dumarating sa akin, sa family ko. So, I can say na happy naman ako sa buhay ko ngayon.
B: Anu-ano pa ang ginagawa mo aside from being an actor and a TV host?
KDL: Photography, kasi ‘yan ang hobby ko ngayon. Tapos sa gym, kailangan kong magpapayat, e. Medyo nag-gain ako ng weight these past months. So, kailangang maging fit uli para hindi ako mahirapan sa mga susunod na projects na ibibigay sa akin ng GMA. Tapos dito sa Full House, di ba, bading uli ako, e, ang kailangan, ‘yung bading na fashionista. Mahirap maghanap ng damit kapag medyo mataba ka, sa ganu’ng role.
B: Photography ang hilig mo ngayon so madalas kang mag-travel para sa mga bago mong subjects?
KDL: Yes, sometimes with my family. Every travel naman kasama ko ang family ko. Ang last kong travel, early this year lang, sa Italy. Sa Rome, pero ako lang mag-isa ang umalis, kasi event ‘yung ng isang company, so bawal magsama. Nag-host ako du’n. So pinagsabay ko na ang trabaho at bakasyon.
This Christmas naman, baka bumalik kami sa Rome. Pero baka hindi ko kasama ‘yung anak ko, kasi US citizen yun, e, baka sa Amerika siya mag-Pasko kasama ‘yung grandparents niya.
B: How do you bond with your daughter na dalagita na ngayon?
KDL: Sumasama siya minsan sa Eat Bulaga, masaya siya kapag napapanood niya ako, kami ng lolo (Joey de Leon) niya. Or minsan tatawag siya a day before, tapos papasundo siya sa akin, tapos mamamasyal kami. Minsan shopping. Mga ganu’n lang ang bonding moments namin.
B: May interes ba siyang mag-showbiz?
KDL: Magaling siyang kumanta, gusto rin niyang mag-showbiz. Pero hindi ko muna masyadong ine-encourage, para makapag-focus siya sa studies niya. Pero kung talagang gusto niya, wala naman akong magagawa, desisyon pa rin niya ‘yun. Basta ako, bilang tatay, nandito lang para suportahan siya sa mga plano niya.
B: Mahigpit ka bang daddy? Hindi ka ba natatakot na maligawan si Samantha?
KDL: Actually, nandu’n yung fear, pero wala naman tayong magagawa diyan. Four years na lang debutante na siya. Nakakalungkot lang isipin na ‘yung dating baby na karga mo lang, liligawan na. Pero alam mo daddy’s girl ‘yun, e. Actually, ayaw niya akong magka-girlfriend.
Pero ‘yun nga, alam kong darating ‘yung panahon na makakakilala siya ng lalaking mamahalin niya, so, hinahanda ko na rin ang sarili ko, hindi ko naman makokontrol yan, e. Kaya sabi ko nga, gusto ko pa ng isang babay para may kapalit si Sam. Hahahaha! But honestly, I really want to have another baby, pero gusto ko, du’n na sa babaeng pakakasalan ko.
B: Hindi ka ba nagsasawa sa laging bading na role?
KDL: Hindi naman, kumbaga ako kasi, sinusunod ko lang yung utos ng mga boss ko sa GMA, as an artist ng Kapuso, kailangan sundin ko yung gusto ng mga boss, hindi ka naman puwedeng tumanggi. Hindi ko naman sinasarado yung pinto ko sa ibang challenge kaya kailangan ready ka pa rin diyan, hindi porke nagsunud-sunod yung bading role mo, hanggang du’n na lang.
Sabi ko nga sa kanila, gusto ko sana sa susunod payagan naman nila akong magkontrabida, para iba naman, para may bago naman.
B: Sa pagpo-portray mo ng bading, nararamdaman mo bang nababading ka na?
KDL: Hindi! Wala naman. Tsaka hindi lang naman ako, e. Ang dami-dami na naming nagbabading ngayon. Ganu’n kalakas ‘yung karakter na naumpisahan ni Harold (nagsimula sa sitcom na Bahay Mo Ba ‘To ng GMA). Isipin mo, every soap, may bading, may totoong gay, meron namang nagbabading-badingan.
B: Ibig bang sabihin nito, tanggap na talaga ang mga bading sa society natin?
KDL: Tanggap na sila sa industriya at ako natutuwa ako, kasi dati parang minamaliit lang ang mga bading, di ba? Parang pinagtatawanan, nilalait-lait. Pero ngayon parang sila na ang nagte-takeover, e. They’re everywhere na, pansin mo? Like yung mga stand-up sa comedy bar, hindi masaya kapag walang bading, di ba? So, masasabi nating talagang may puwang na ang mga gay sa kahit saang sulok ng mundo.
B: Totoo ba ‘yung balita noon na takot ka sa mga bading?
KDL: Hindi naman takot, pero talagang ilag ako dati sa mga bading. Meron kasing bading na nakikipagkaibigan na alam mong iba ang gusto. May naging experience kasi ako noon na talagang hihipuan ka, hahalikan ka na lang bigla, lalo na noong nagsisimula pa lang ako sa showbiz. Pero siyempre, hindi mo naman sila puwedeng gantihan o bastusin, kaya dedma lang. Mag-iingat ka na lang sa susunod para maiwasan na ‘yung mga ganu’ng pangyayari.
B: How about your lovelife? KDL: Naku, medyo masalimuot ang lovelife ko ngayon. Kaka-break lang namin nu’ng last ko. Actually, ex ko na siya dati, but we decided to try it again. Nagkita kasi uli kami after a few years, lumabas-labas kami, hanggang sa mag-decide kaming ituloy kung anuman ‘yung meron kami dati. Pero hindi rin nag-work, kaya naghiwalay din.
Ewan ko ba, hindi ko alam kung nasaan ang problema. Pero sa ngayon, parang ine-enjoy ko na lang kung anong meron ako. Hindi naman kasi hinahanap ang lovelife, e, kusang darating ‘yan. Kaya sabi ko, work na lang muna ang iintindihin ko, tapos kapag may dumating uli, e, di try again. Ganu’n naman talaga ang pakikipagrelasyon, di ba? Walang katiyakan.
B: So, kahit ilang babae na ang nakarelasyon mo hindi ka pa rin nagsasawang magmahal? Na-trauma ka na ba ng ilang beses na pakikipagrelasyon na nauwi lang sa wala?
KDL: Wala naman. Ako kasi kapag nasa isang relationship ako, ine-enjoy ko lang. Kapag dumating ‘yung time na nalaman n’yo pareho na hindi kayo puwede, tanggapin mo na lang dahil ganu’n talaga.
interview ni eas, Bandera Entertainment
BANDERA, 121409
Naaliw ka ba sa interview kay Keempee? Mayroon ka bang gustong maka-one-on-one ng Bandera. Magkomento sa 0929-5466-802.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.