Bagong GMA station ID babandera na ngayong gabi | Bandera

Bagong GMA station ID babandera na ngayong gabi

Ervin Santiago - March 09, 2018 - 12:15 AM

KAPUSO STARS NAGSAMA-SAMA PARA SA 2018 GMA 7 STATION ID

HANDOG ng GMA Network sa mga manonood ang bago nitong station ID (SID) na pinamagatang, “Buong Puso Para Sa Kapuso.”

Mapapanood dito ang makulay na kasaysayan ng GMA at ang mga personalidad nito na naging bahagi na ng buhay ng mga Pilipino ngayon at sa mga nagdaang dekada.

Masasaksihan din dito ang paglalakbay ng GMA mula sa pagiging maliit na himpilan ng radyo na itinatag ni Robert “Uncle Bob” Stewart hanggang sa pagiging isa sa pinaka-respetado, pinaka-pinagkakatiwalaan, at kinikilalang media network sa bansa.

Dagdag pa rito, ipinararating din ng SID ang tunay na kahulugan ng pagiging Kapuso – ang pagbibigay ng iyong buong puso sa lahat ng pagkakataon para sa iyong mga mahal sa buhay dahil ito ang nararapat.

“We celebrate our success story and our shared values with our viewers who have been with us through the years. I hope our story serves as an inspiration to every Filipino striving to succeed in life and provide a better future for the people they love,” sabi ni GMA Network Chairman and CEO Felipe Gozon.

Lalo pang naging magarbo ang bagong SID dahil sa pagtitipon ng Kapuso celebrities at mga empleyado ng GMA na nagsama-sama habang nakasuot ng makukulay na damit para sa espesyal na produksyong ito.

Kabilang na diyan siyempre ang GMA Primetime King & Queen na sina Dingdong Dantes at Marian Rivera, ang GMA News Pillar na si Jessica Soho, ang nag-iisang Asia’s Songbird na si Regine Velasquez na siyang kumanta ng SID jingle kasama ang mga bagong Kapuso talents. Abangan ang unang pag-ere ng pinakabagong station ID ng GMA na “Buong Puso Para Sa Kapuso” tonight after 24 Oras.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending