DEDMA lang ni House Speaker Pantaleon Alvarez sa mga plano na palitan bilang lider ng Kamara de Representantes.
Giit ni Alvarez, nasa kanya pa rin ang suporta ng mayorya ng mga miyembro ng Kamara.
“I still have the support of the members of the super majority coalition in the House of Representatives. Nothing has changed,” dagdag niya.
Itinanggi rin niya na mayroong pag-uusap upang palitan siya ni dating Pangulo at ngayon ay Pampanga Rep. Gloria Macapagal Arroyo.
Si Alvarez ay nasilbing kalihim ng Department of Transportation and Communication sa ilalim ng Arroyo government.
“There is no such thing,” dagdag pa ni Alvarez.
Umusbong ang posibilidad na palitan si Alvarez matapos magsalita ng laban sa kanya si presidential daughter at Davao City Mayor Sara Duterte.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.