Yeng, Victor karir sa paggawa ng baby, sunud-sunod ang honeymoon | Bandera

Yeng, Victor karir sa paggawa ng baby, sunud-sunod ang honeymoon

Reggee Bonoan - March 08, 2018 - 12:20 AM


PRODUKTO ng reality singing search na Pinoy Dream Academy Season 1 (2006) si Yeng Constantino kaya tinanong namin siya kung binalak din ba niyang mag-audition sa Singer 2018 ng China kung saan lumalaban ngayon si KZ Tandingan.

Nakausap namin si Yeng sa pa-presscon ng Cornerstone Talent Management para sa mga nakalinyang concert nila this year at dito nga namin siya natanong tungkol sa Singer 2018.

“Nu’ng nalaman ko iyon, honestly sinabi ko kay kuya Erickson (Raymundo, may-ari ng Cornerstone) na mag-focus muna ako sa (pagbe-baby). Saka feeling ko, mas built si KZ para ro’n kasi nakita ko ‘yung journey niya na mas bagay talaga sa kanya. Kasi sa amin (Cornerstone artists), si KZ ‘yung nakitaan ko talaga ng big potential,” sagot ni Yeng.

Tatlong taon nang kasal sina Yeng at Victor Asuncion pero hindi pa rin sila nabibiyayaan ng baby, “We’re trying, hoping po,” tugon ng singer-songwriter.

Kapansin-pasin ang malaking pagbabago ngayon sa itsura ni Yeng, imbes kasi na mag-mature ay parang mas naging mukha siyang bagets ngayon sa edad na 29. “Vegan kasi ako, three years na,” ani Mrs. Asuncion.

Panay-panay ang honeymoon ngayon ng mag-asawang Victor at Yeng, nauna na silang nagpunta sa El Nido, Palawan na sinundan ng Japan. At nitong Martes ay nagtungo naman sila ng Balesin Island kasama sina Angeline Quinto at Erik Santos. “Oo, kasi habang wala pang masyadong ginagawa, try naming bumuo (ng baby),” saad ng mang-aawit.

Samantala, excited si Yeng sa upcoming show nilang “The Divas Live ll” na gaganapin sa Araneta Coliseum sa Nobyembre, 2018 kasama pa rin sina KZ, Kyla at Angeline mula Cornerstone Concerts.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending