Motor nabundol ng bus; 2 patay | Bandera

Motor nabundol ng bus; 2 patay

John Roson |March 06,2018
facebook
share this

Motor nabundol ng bus; 2 patay

John Roson - March 06, 2018 - 06:59 PM
Patay ang isang lalaki at kanyang angkas nang mabundol ng pampasaherong bus ang sinakyan nilang motorsiklo, sa Sto. Domingo, Ilocos Sur. Dinala pa sa ospital ang driver ng motor na si Cesar Guillermo, 33, ngunit binawian ng buhay habang nilulunasan, ayon sa ulat ng Ilocos regional police. Idineklara namang patay sa pinangyarihan ang di pa kilalang angkas ni Guillermo. Naganap ang insidente dakong alas-3:30 ng umaga Lunes, sa bahagi ng National Highway na sakop ng Brgy. Parada. Minamaneho ni Guillermo ang motor pa-timog, nang mabundol mula sa likod ng GMW Trans bus (NYH-658) na dala ni Emar Bong Bong Pascual. Nasa kostudiya ngayon ng pulisya ang bus driver para sa karagdagang imbestigasyon.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending