Angel napaiyak sa ginawang 'carwash dance' ng sexy female group sa PGT | Bandera

Angel napaiyak sa ginawang ‘carwash dance’ ng sexy female group sa PGT

Ervin Santiago |March 04,2018
facebook
share this

Angel napaiyak sa ginawang ‘carwash dance’ ng sexy female group sa PGT

Ervin Santiago - March 04, 2018 - 04:54 PM

NAPAIYAK si Angel Locsin sa nakaraang episode ng Pilipinas Got Talent matapos mag-perform ang isang grupo ng mga kababaihan na halos nakahubad na sa suot nilang mga outfit.

Hindi nagustuhan ng Kapamilya actress ang ginawa ng grupo sa audition kaya ilang segundo pa lang na nagsasayaw ang apat na girls ay pinindot na ni Angel ang X red buzzer. Tinawag na “car wash” dance ng isang miyembro ang ginawa kung saan gumiling-giling ang mga ito habang nililinisan ang isang sasakyan.

Paliwanag ng PGT judge, “Ako kasi parang hindi ko kaya na makita kayo na nagsasayaw na naka-underwear para lang sa’min. Masyado kayo magaganda at masyado niyo ’tong pinaghirapan para gawin ’yan. Kung may talent kayo, ’yun ang ipakita niyo sa’min dahil talent ang hinahanap namin dito, hindi katawan. Kaya ko kayo binuzz, ayaw kong ma-objectify kayo, masyado ako nagmamalasakit para sa inyo para i-go ko ’to.”

Tanong naman ng isa pang hurado na si Robin Padilla sa mga babae, “Ginagawa niyo ba yan dahil gusto niyo? O labag sa kalooban niyo? Isa-isa ha kasi mahalaga ’to. Para mabura sa isipan nu’ng mga ibang judges na kayo’y napilitan o ano.”

Singit naman ni Angel na naging emosyonal na nga, “Wala naman nag-iisip na napilitan, kuya Binoe.”
Baling uli ni Robin sa mga nag-audition, “Gusto niyo ba ’yun na mga kalalakihan ay humahanga sa inyo?” Padilla asked the girls.

“Seryoso ka?” hirit agad ni Angel. Sagot naman ni Binoe, “Pakinggan muna natin sila.”
Ayon sa isang member ng grupo, “Para po sa’min ay talent naman po namin ito.”

Sagot ni Binoe, “’Yung sinasabi nila, magandang point ’yun, si Angel lalo. Intindihin niyo si Angel kasi advocacy niya ’yan, women’s rights. Kaya niya sinasabi yan para proteksiyonan kayo. Sana maintindihan niyo yan. Walang against sa inyo. Lahat ng sinabi dito pabor sa inyo.”

Naging emosyonal naman si Angel sa pagpapaliwanag tungkol sa performance ng grupo, “Kuya, hindi lang naman kasi ’yung damit ang problema pero kasi kailangan mong turuan ng awareness.

“Kaya nga di ba may pinapasarang bars ’yung Gabriela, mga ganyan, kasi kawawa ’yung mga kababaihan, akala nila ito ’yung way para makakuha ng pera, para sumikat. Kailangan turuan ng awareness kahit paano. Wala naman tayong ibang paraan kung hindi sabihin talaga,” aniya pa.

Nag-sorry naman agad si Robin kay Angel, “Pasensya ka na ’tol, hindi kita kinontra, ’tol. Hindi kita kinontra sa sinabi mo. Wala naman kumontra eh. Naniniwala kami ’tol sa sinabi mo. Maganda ’yung point mo doon, hanga ako sa ginawa mo.”

Ang ending, nag-yes si Binoe at isa pang PGT judge na si Freddie Garcia habang “no” sina Angel at Vice.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Paliwanag ni Vice, “Nagugumilihan lamang ako if carwashing in your underwear is really a talent. Pero kung talent kasi talaga ’yan, kahit naka-pajama ka, naka-belo ka, kung kakaiba ’yung talent mo, makikita at makikita yung talent mo.

“Ako ’yung desisyon ko wala itong kinalaman sa kung ano’ng suot niyo kasi your wardrobe is part of your self-expression. Pero talent-wise for me I don’t think that’s enough to win P2 million here in PGT. So I’m saying no,” aniya pa.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending