Pagdedetine kay Taguba sa Custodial Center masyadong magastos- PNP
SINABI ng Philippine National Police na masyadong magastos na idetine ang Customs fixer na si Mark Taguba II sa PNP Custodial Center sa Camp Crame, sa pagsasabing kakainin nito ang pondo ng kapulisan.
Idinagdag ni PNP spokesperson Chief Supt. John Bulalacao na ito ang rason kung bakit ayaw ng PNP na sundin ang kautusan ng korte kaugnay ng kustodiya ni Taguba.
Ayon kay Bulalacao, inirekomenda na ng PNP-Headquarters Support Service (HSS) ang paglilipat kay Taguba sa kustodiya ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) para maging praktikal.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.