‘Hindi ako magdadrama pag nagkaharap tayo! Sana mabigyan mo ako ng chance!’
GUSTONG maka-face to face ni Kris Aquino si Davao City Vice Mayor Paolo Duterte.
Ito’y sa gitna na rin ng umiinit na usapin tungkol sa politika at ang mga naglalabasang isyu sa pagitan ng pamilya Duterte at Aquino.
Sa kanyang mahabang Instagram post, niyaya ng Queen of Social Media ang anak ni Pangulong Rodrigo Duterte na magkape, pero game rin daw siya kung beer ang gusto nitong inumin.
Narito ang kabuuang mensahe ni Kris: “This is a message to @pd375 on IG, Vice Mayor Pulong Duterte – Official on FB… you mentioned me in your post by name & i feel it is only proper to reply. Sorry Paolo (you called me Krissy so I’m taking the liberty of calling you Paolo)- I don’t know how to play PS4. But in this instance i’m not my mother’s daughter, but instead my father’s- who believed that everything could be worked out through face to face dialogue.
“So here goes: May I invite you to have coffee (I endorse Nespresso) or we can have a San Mig (I’ve endorsed them too & I’m cool w/ the lemon flavored) if that is your preference… you have my word hindi ako magdadrama pag nagkaharap na tayo. To the best of my knowledge we have never actually met or been personally introduced.
“I have no agenda other than the desire for you to personally get to know me & vice versa. Too much bad blood has already been manufactured between our families. We have the chance to hear each other out.
“Para sa mga nagtataka kung bakit ko ‘to ginagawa – because I’d rather have tried & reached out & possibly be rejected than regret not making a move when I saw an opportunity to open communication lines.
“Kung tanggihan mo ko, Paolo, I shall respect that. Nasa pamilya nyo ang kapangyarihan at ang buong lakas ng gobyerno at kapulisan ng Pilipinas, kaya sino naman nga ba ako?
“Hihiram ako ng linya kay Julia Roberts from Notting Hill (but of course rewriting it to suit our particular situation): I’m just a girl, unfortunately not standing in front of a boy, but doing it via social media – asking him to give getting to know her personally a chance. I shall await your decision & pray that my effort won’t be snubbed.”
q q q
Nauna rito, ipinagtanggol naman ni Kris ang yumaong inang si dating Pangulong Cory Aquino laban sa trolls na nagpapakalat ng fake news sa social media.
Ani Kris, may mga taong nagtatangkang baguhin ang kasaysayan ng bansa, lalo na sa nagawa ng kanyang ina bilang dating pangulo ng bansa.
Sa kanyang Instagram account, nag-post ng mahabang mensahe si Kris para ipaalam sa buong mundo ang tangkang sirain ang legacy ni Tita Cory para pagtakpan ang mga nangyari noong panahon ni dating Pangulong Ferdinand Marcos.
Post ni Tetay: “So much of our history is trying to be rewritten & erased by those paying their trolls & fake news purveyors to whitewash their culpability for the killings & suffering they inflicted on our country during the years before our democracy from the dictatorship in 1986.
“I know our family is not perfect- but the woman standing beside me in this picture who is peacefully in heaven deserves her daughter to stand up for her legacy.
“Cory Aquino is the only Filipino to hold the distinct honor of having been chosen as Woman of the Year in 1986, to quote TIME ‘Whatever else happens in her rule, Aquino has already given her country a bright, and inviolate, memory. More important, she has also resuscitated its sense of identity and pride.’
“Kaya malaya kayong sabihin ang lahat ng paninirang gusto nyong itapon sa aming pagkatao. Pero hindi ako naging dugo at laman ng babaeng ito kung hindi ko sya ipagtatanggol at ipamumukha sa mga walang respeto sa sumakabilang buhay na, yung putik na pilit nyong ginagamit para yurakan ang pagkatao nya ay kailanman hindi didikit dahil kasinungalingan ang pinanggagalingan.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.