ISANG araw na lamang ang itatagal ng buffer stock ng bigas ng National Food Authority (NFA)
Sa pagdinig ng Senate committee on agriculture na pinamumunuan ni Sen. Cynthia Villar, sinabi ni NFA Administrator Jason Aquino na pang 1.7 araw na lang kanilang bigas sa warehouse.
Aniya, matagal na sanang naubos ang suplay kung nagpatuloy ang pagbebenta sa mga pamilihan.
Nauna na nang sinabi ni Aquino na ibibigay ang natitira nilang bigas sa mga kababayan nating tinatamaan ng kalamidad.
Kaugnay nito, nabunyag sa Senado na hanggang sa ngayon ay hindi pa nakakasuhan ang umano’y rice smuggler na si Davidson Bangayan aka David Tan.
Tinanong ni Sen. Grace Poe si Bureau of Custom (BOC) Assessment and Operational Coordinating Group Deputy Commissioner Edward James Dy Buco kung may kinahaharap na kaso si Bangayan na economic sabotage dahil sa smuggling ng toneladang bigas sa bansa.
Inamin naman ni Buco na “hindi makita” ang pangalan Davidson Bangayan o David Tan kung kaya wala pa rin silang nakakasuhan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.