Bago City nagdomina sa PSC-Pacquiao Amateur Boxing Cup
CITY OF NAGA, CEBU – Halos winalis ng Bago City ang lahat ng laban nito matapos magwagi sa walo sa siyam na sagupaan sa pagtatapos ng Visayas Leg quarterfinals ng ginaganap na 2018 PSC-Pacquiao Amateur Boxing Cup sa Enan Chiong Activity Center dito.
Tanging natalo para sa Bago City si Randy Tanodra sa tampok na Youth Boys lightweight (60kg) matapos mabigo sa split decision sa iskor na 3-2 kontra Romer Pinili ng Bayawan City upang maiwanan ng walo nitong kasamahan na uusad sa semifinals sa parating na Marso 17 sa Calbayog City, Samar.
Kabuuang 32 boksingero ang nakasiguro ng tansong medalya matapos na tumuntong sa semifinal round habang 28 ang napatalsik matapos makumpleto ang 30 salpukan na ginanap nitong Sabado’t Linggo at nilahukan ng 15 koponan sa Kabisayaan.
nang nagwagi sa ikalawang araw ang 18-anyos at tumigil na sa pag-aaral sa 1st year high school na si Michael Adolfo ng Cadiz City matapos itala ang referee stopped contest-outclassed kontra Jaylord Redondo ng DSB sa 2:31 marka ng ikalawang round ng laban sa Youth Boys light flyweight (46-49 kg) class.
Sumunod na nagwagi si Edmundo Oro ng Escalante City kontra Jimmybie Cais ng Cebu City Sports Institute sa pamamagitan ng RSC-O sa ikalawang round.
Pinakaimpresibong nagwagi ang 17-taon, Grade 11 sa Ramon Torres National High School at 2015 Batang Pinoy silver medalist na pamangkin ni dating Olympian at Asian Games gold medalist Isidro Vicera Jr. na nagtala ng knockout sa unang round kontra Minvil Valad-On ng Calbayog City.
“Gusto ko po makatulad sa tito ko na si Isidro Jr. na nakatuntong sa Olympics,” sabi ng may taas na 5-foot-8 at mahigit isang taon pa lamang nagsimulang sumabak sa mga aktibong torneo na si Guevarra.
Samantala, nagwagi naman sa Youth Boys flyweight (52kg) sina Geniel Alit ng Victorias kontra Joven Caguan ng Murcia, Niel Tambanillo ng Bago City kontra Renz Lee Teves ng Bayawan City, Johnro Taneo ng CCSI kontra Limbert Cainap ng Cebu at April Jay Abne ng Omega boxing Team-Mandaue kontra Mark Alob ng Cadiz City.
Panalo naman sa Youth Boys bantamweight (56kg) si Herlan Gomez ng Victorias kontra Terso Ello ng La Carlota; wagi si Jasper John Anida ng Bago City kay Marvin Lucenesio ng Calbayog; Mike Angelo Dela Torre ng Murcia kay Gerald Postrano ng Sipalay at Jhorhe Pasculado ng Omega Boxing Team-Mandaue kay Andy Poblete ng Maasin.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.