Donita Nose laglag sa bagong digital show ni Tekla | Bandera

Donita Nose laglag sa bagong digital show ni Tekla

Jun Nardo - February 27, 2018 - 12:25 AM


LAGLAG ang komedyanteng si Donita Nose sa bagong digital show ng Kapuso Network. Sa halip na siya ang maka-tandem ni Super Tekla, ang equally-talented ding gay comedian na si Boobay ang makakasama niya sa The Boobay And Tekla Show sa GMAOnline Exclusives na mapapanood simula ngayong araw.

Unang nakilala ang tandem nina Donita at Tekla nu’ng kapwa pa sila hosts sa Wowowin ni Willie Revillame. Mas tumingkad pa ang tambalan nila nang madalas silang maging guests sa comedy game show ng GMA na Celebrity Bluff.

Kapwa wala na sa Wowowin sina Donita at Tekla. Under management na rin sila ng GMA Artist Center.
Siyempre, marami ang nagtatanong kung ano ang nangyari at pinaghiwalay na ang tandem nina Donita at Tekla na talaga namang patok na patok sa mga manonood.

Bukod sa show nina Boobay at Tekla, may iba pang mga bagong digital shows na ilalabas sa GMA One Exclusives.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending