Diet? Baka eating disorder na 'yan | Bandera

Diet? Baka eating disorder na ‘yan

Leifbilly Begas - February 26, 2018 - 08:00 AM


ANG eating disorder ay itinuturing na isang sakit na maaaring sobra-sobrang pagkain o kaya ay hindi pagkain.

Ayon sa Eating Disorder Hope, ang labis na pagkain ay maaaring dulot ng stress o pagnanais na makuha ang ninanais na hubog ng katawan o inaasam na timbang.

Matindi ang epekto sa kalusugan ng isang indibidwal ang kulang o labis na pagkain.

Ayon sa mga eksperto, ang pagkakaroon ng ganitong uri ng disorder ay sanhi ng anxiety disorder, substance abuse, o maging depresyon.

Ang karaniwang eating disorders ay Anorexia Nervosa, Bulimia Nervosa, at Binge Eating Disorder.

Anorexia

Ang Anorexia Nervosa ay sakit na kaugnay sa pagkatakot na bumigat ang timbang o magbago ang hugis ng katawan. Kalimitan na labis ang pagkontrol sa pagkain hanggang sa lebel na hindi na nakakukuha ng tamang sustansya ang katawan.

Ang Anorexia ay maaaring magresulta sa pagkasira ng utak, organ failure, paghina ng buto, pagkakaroon ng problema sa puso at pagkabaog. Mataas din ang tyansa ng pagkamatay sanhi ng sakit na maaaring makuha dahil sa hindi pagkain.

Bulimia

Ang Bulimia Nervosa naman ay ang pagkain ng marami na agad pinagsisisihan dahil sa takot na tumaba o bumigat.

Ang resulta, pinipilit isuka ng isang indibidwal ang kanyang kinain para hindi ito maproseso ng katawan.
Kung hindi isusuka, ang pagkain ng sobra ay sinusundan ng labis-labis na pag-eehersisyo at umaasa na masusunog ito.

Kadalasan na ang mga may ganitong sakit ay ang mga tao na hindi masaya sa hugis ng kanilang katawan o timbang. Malimit din na isinisekreto ito ng isang tao dahil ayaw mapahiya.

Ang Bulimia ay maaaring magresulta sa gastrointestinal problems, labis na dehydration at problema sa puso na resulta ng electrolyte imbalance sa katawan.

Binge

Ang mga taong may binge eating disorder ay kadalasang nawawalan ng kontrol sa pagkain.

Ang pagkakaiba ng Binge eating disorder sa Bulimia ay ang kawalan ng pagsisisi pagkatapos kumain ng marami.

Ito ang dahilan kung bakit ang mga taong may BES ay kadalasang obese na nagdudulot ng panganib sa kanilang kalusugan at nagkakaroon ng mga cardiovascular disease.

Sanhi

Walang nakakaalam sa eksaktong dahilan ng eating disorder. Peroang paniwala ng iba ito ay impluwensiya ng biological, psychological, at environmental abnormalities.

Ang mga biological factor ay ang irregular hormone function, genetics at nutrition deficiency.

Ang psychological factor naman ay maaaring ang negatibong pagtingin sa itsura ng katawan at mababang self-esteem.

Maaari ring sanhi ang problema sa pamilya, propesyon o career na nangangailangan ng pagiging payat gaya ng ballet, modeling o gymnastics.

May mga kaso na dulot ito ng sexual abuse noong bata pa, severe trauma. At maaari rin naman na dahil ito sa paniniwala ng mga tao sa kanyang paligid na maganda ang payat.

Sintomas

Ilan sa mga sintomas ng eating disorder ay ang Chronic dieting o labis-labis na pagda-diet kahit na kitang-kita na underweight na ito; ang madalas na pag-akyat at pagbaba ng timbang; obsession sa calories at fat content ng pagkain; pagkakaroon ng ritualistic eating pattern gaya ng pagputol-putol sa pagkain ng maliliit, pagkain ng mag-isa at pagtatago ng pagkain; pagluluto ng pagkain para sa iba at hindi ito kakainin ng nagluto; depresyon.

Gamot

Hindi basta-basta ang panggagamot sa mga taong may eating disorder. Kadalasan na kailangan dito ang tulong ng mga propesyonal gaya ng doktor, nutritionist at therapist na ang layunin ay maibalik sa tama ang nutrisyon sa katawan ng isang tao.

Pangunahing target sa panggagamot ang maayos ang mga naging problema ng katawan dahil sa kulang o labis na pagkain.

Ang mga nutritionist ang kailangan upang matiyak na balanse ang kinakain ng pasyente.

Kailangan naman ang therapy upang mahanap ang sanhi ng eating disorder at maitama ang pag-iisip sa pagtingin sa katawan ng isang tao.

Mahalaga ang therapy upang magamot at matanggap ang mga traumatic na pangyayari sa buhay at maging maayos ang relasyon nito sa pamilya at mga tao na madalas nitong makasalamuha.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Mayroon ding mga pasyente na binibigyan ng gamot upang mawala ang mood o anxiety symptoms.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending