Suspek na ISIS, Pinay na kinakasama kinasuhan na | Bandera

Suspek na ISIS, Pinay na kinakasama kinasuhan na

- February 19, 2018 - 04:36 PM

SINAMPAHAN ng Philippine National Police (PNP) ang isang pinaghihinalaang recruiter na ISIS at kinakasamang Pinay ng kasong illegal possession of explosives sa Department of Justice (DOJ).

Nahaharap sa paglabag sa Republic Act 9516 for illegal possession of firearms and explosives ang Tunisian national na si Fehmi Lassqued at kanyang kinakasamang Pinay na si Anabel Moncera Salipada.

Naaresto ang dalawa noong Pebrero 16 sa isang apartment sa Ermita, Maynila ng mga operatiba mula sa Regional Police Intelligence Operations Unit (RPIOU) ng Philippine National Police.

Base sa reklamo na pinirmahan ni Superintendent Carlito Narag Jr., chief ng RPIOU, kabilang sa mga narekober mula sa suspek ang mga ginagamit sa paggawa ng bomba, kasama na ang apat na tubo, dalawang battery. tatlong capacitor, dalawang integrated circuits, tatlong battery clips at 11 resistors at .45-caliber pistol at mga bala.
Itinakda ni Senior Assistant State Prosecutor Peter Ong ang preliminary investigation sa Pebrero 28.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending