DAHIL patuloy ang pagtangkilik sa mga plant-based diet, maraming mga tao ang sinusubukan naman ang dairy-free alternatives para sa cow’s milk. Gayunman, kahit na ang mga plant-based milk ay kinukunsidera bilang healthy alternatives sa gatas, kulang ang pagsasaliksik para makumpara ang mga benepisyo at pagkukulang ng mga ito.
Ayon sa bagong pag-aaral mula sa McGill University sa Canada tiningnan nito ang apat sa most-commonly consumed types ng plant-based milk drinks: almond milk, soy milk, rice milk at coconut milk.
Kinumpara rin ng pag-aaral ang nutritional values ng mga ito sa cow’s milk at nabatid na maliban sa cow’s milk, na siyang pinakamasustansiyang gatas, ang soy milk ay ang “clear winner” na gatas. Naglabas din sila ng mga roundup ng pros and cons ng bawat isa at narito sila.
Cow’s milk
Isa itong kumpletong pagkain dahil kargado ito ng mga major nutrients tulad ng fat, carbohydrates at proteins.
Nagbibigay din ito ng mga beneficial anti-microbial effects kung saan ipinakita ng isang pag-aaral na ang mga sanggol na umiinom ng cow’s milk ay nakakabawas ng lagnat at respiratory infections.
Subalit, ang milk allergy ay isa sa mga most common allergiy sa mga sanggol at bata kung saan apektado ang 2.2 hanggang 3.5 porsiyento ng mga bata at mas mataas ito kumpara sa mga apektado ng mga peanuts at tree nut allergies. Ang magandang balita ay 35 porsiyento ng mga sanggol ay nalalagpasan ang pagiging allergic sa gatas sa edad na 5 hanggang 6 taon at tumataas pa ito sa 80 porsiyento pagdating ng edad na 16 anyos.
Hindi rin mabuting opsyon ang Cow’s milk para sa mga may lactose intolerance (bunga ito ng kakulangan o pagkawala ng enzyme lactase sa digestive tract), na nakakaapekto sa 15 hanggang 75 porsiyento ng mga adult depende sa kanilang lahi, food habits at gut health.
Soy milk
Ang soy milk ay ang naging substitute o pamalit sa cow’s milk ng halos apat na dekada at ito ang most balanced nutritional profile sa apat na gatas na nakasama sa nasabing pag-aaral.
Ito rin ang pinakakinukunsumo na gatas dahil sa health benefits na ibinibigay nito na buhat sa phytonutrients na natataguan sa nasabing gatas. Kilala bilang isoflavones, ang phytonutrients na ito ay may anti-carcinogenic properties na makakatulong para malabanan o mapigilan ang kanser.
May ilan naman na ayaw dito dahil sa “beany flavor” nito at ang pag-aalala tungkol sa presensiya ng mga anti-nutrients (mga substance na nakakapagpabawas ng nutrient intake at digestion).
Rice milk
Maliban sa pagiging lactose-free, ang rice milk ay puwede ring magandang alternatibo para sa mga pasyenteng may mga allergy issue na sanhi ng soybeans atalmonds.
Ang matamis na lasa nito ay malinamnam subalit naglalaman ito ng konting nutrisyon at meron ding pag-aalala tungkol sa high carbohydrate count nito.
Ang pagkunsumo ng rice milk na wala sa tamang pag-aalaga ay nagreresulta naman ng malnutrisyon lalo na sa mga sanggol.
Coconut milk
Ang pagkunsumo ng coconut milk ay nakakatulong para mabawasan ang lebel ng mapanganib na low-density lipoproteins (bad cholesterol) na may kaugnayan sa mga cardiovascular disease.
Konti lamang ang calories nito subalit karamihan nito ay mula sa fat. Ito ay walang protein at ang nutritional values nito ay nababawasan kapag nakaimbak ng mahigit dalawang buwan.
Almond milk
Ang almond ay may mataas na nilalaman ng monounsaturated fatty acids (MUFA) na kinokonsiderang makakatulong para makapagbawas ng timbang at mabantayan ang timbang mo.
Ang MUFA ay nakakatulong din para mabawasan ang low-density lipoprotein (bad cholesterol).
Gayunman, ang ibang komplementaryang pinagmumulan ng pagkain ay kailangan para mapunan ang iba pang mga mahahalagang nutrient.
Ang buong pag-aaral ay matatagpuan naman online sa Journal of Food Science and Technology.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.