Cainta Mayor nag-alok ng P100K pabuya para sa killer ng deputy cop  | Bandera

Cainta Mayor nag-alok ng P100K pabuya para sa killer ng deputy cop 

- February 14, 2018 - 03:53 PM
NAG-ALOK si Cainta City Mayor Keith Nieto ng P100,000 pabuya para sa makakapagturo sa mga suspek na nasa likod ng pagpatay sa deputy police chief  ng lungsod noong Pebrero 10. Sinabi ni Superintendent Raynold Rosero, Cainta Police chief, na patuloy ang  manhunt operation ng binuong  special task group para maaresto si  Robin “Ruben Tae” Paglinawan, 38, ng  Cainta, at Germogenes Lachica, na itinurong nasa likod ng pagpatay kay Cainta  deputy police chief Senior Insp. Jimmy Senosin. Base sa ulat na nakarating kay Rosero, nagpunta si  Senosin, 41, at kanyang grupo sa Lakas Bisig, Floodway sa Barangay San Andres, Cainta ganap na alas-7 ng gabi noong Linggo para iberipika ang impormasyon  na namataan si  Paglinawan na may sukbit na baril sa kanyang baywang. Pinaputukan sila ng mga suspek at naghagis pa ng granada, ayon pa sa ulat. Nabaril si Senosin sa ulo matapos makipagbarilan sa mga suspek. Kilala ang mga suspek na magnanakaw at pusher sa Pasig at Cainta.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending