Rain or Shine Elasto Painters pinasemplang ang Magnolia Hotshots | Bandera

Rain or Shine Elasto Painters pinasemplang ang Magnolia Hotshots

Angelito Oredo - February 11, 2018 - 12:04 AM

Mga Laro sa Pebrero 11
(Araneta Coliseum)
4:30 p.m. NLEX vs Alaska
6:45 p.m. Barangay Ginebra vs TNT KaTropa
Team Standings: San Miguel Beer (6-2); Alaska (6-2); Magnolia (6-3); Rain or Shine (5-3); TNT KaTropa (4-4); Phoenix Petroleum (4-4); NLEX (4-4); Barangay Ginebra (4-4); Globalport (3-4); Blackwater (3-5); Meralco (2-6); Kia Picanto (1-7)

NAGPAKATATAG ang Rain or Shine Elasto Painters sa pagkapit sa ikaapat na puwesto matapos nitong pigilan ang Magnolia Hotshots na masolo ang liderato sa paghugot ng importanteng 101-95 panalo sa kanilang 2018 PBA Philippine Cup out-of-town game Sabado sa Calasiao Sports Complex sa Calasiao, Pangasinan.

Kinailangan ng Elasto Painters na maagang palobohin sa 21 puntos ang kalamangan sa first half ng laro upang makayanan ang pagbalikwas ng Hotshots sa second half ng labanan tungo sa pagkolekta nito sa ikalimang panalo sa kabuuang walong laro.

Nagawa munang itala ng Rain or Shine ang 26 puntos sa unang yugto at 21 puntossa ikalawa habang nilimitahan nito ang Magnolia sa 21 at 14 puntos lamang sa unang dalawang yugto upang maging puhunan nito sa sumunod na 24 minuto tungo sa pagkapit sa solong ikaapat na puwesto sa bitbit na 5-3 panalo-talong kartada.

Una munang nanganib ang Elasto Painters matapos na maghabol ang Hotshots at makadikit na lamang sa pitong puntos mula sa isang tres ni Aldrech Ramos sa 93-100 at nagawang lumapit pa sa limang puntos subalit hindi naisagawa ni Mark Barroca na makumpleto ang kanyang layup sa huling 1:01 ng laro.

Pinangunahan ni Raymond Almazan, na una nang napabalitang nagpapa-trade, ang Rain or Shine sa itinala nitong 23 puntos, anim na rebound, isang assist at dalawang block.

Tumulong naman sina Gabe Norwood at Maverick Ahanmisi na may parehas na 12 puntos at si Chris Tiu na may 11 puntos.

Samantala, isa ang mapuputol ang winning streak sa pagitan ng NLEX Road Warriors at Alaska Aces sa kanilang salpukan ngayon sa Smart Araneta Coliseum sa Cubao, Quezon City.

Itataya ng Road Warriors at Aces ang kanilang winning streak sa unang laro ganap na alas-4:30 ng hapon bago sundan ng salpukan sa pagitan ng Barangay Ginebra Gin Kings at TNT KaTropa na kapwa nagnanais na masungkit ang ikalimang panalo para manatiling buhay ang tsansa na makausad sa quarterfinal round.

Itinala ng NLEX ang ikalawang sunod na panalo sa tulong ng rookie na si Kiefer Ravena na inihulog ang game-winning shot kontra Meralco Bolts noong Biyernes ng gabi para maitakas ng Road Warriors ang 87-85 panalo at umangat sa 4-4 panalo-talong kartada.

Gayunman, nahaharap ang NLEX sa matinding pagsubok sa asam nitong silya sa quarterfinals sa pagsagupa sa Aces na itinala ang pinakamahabang diretsong panalo sa torneo sa anim na sunod matapos mabigo sa unang dalawang laro upang makisalo sa liderato sa bitbit nitong 6-2 panalo-talong karta.

Huling tinalo ng Aces sa maigting at pisikal na labanan ang GlobalPort Batang Pier, 105-98, upang ipagpatuloy ang pag-angat sa liderato at makasalo sa unahang puwesto ang Magnolia Hotshots at three-time defending champion San Miguel Beer.

Asam naman ng Barangay Ginebra na masundan ang 103-77 panalo kontra sa napatalsik na sa torneo na Kia Picanto sa pagsagupa sa KaTropa na hangad makabangon sa natikmang 74-72 kabiguan kontra Phoenix Fuel Masters.

Muling aasahan ng NLEX ang pagiging lider ng rookie nito na si Ravena para makamit ang ikalimang panalo.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Nataon lang,” sabi ni Ravena pagkatapon ng laro. “For me, it’s just my way of respecting the game, respecting my opponents because you want to give your best every single game. I wanted to help my team win again.”

Ang magkasunod na panalo ay nag-angat sa NLEX sa apat na koponang magkasalo sa ikalimang puwesto sa tangan nitong 4-4 record upang mas lalo pa nitong mapatatag ang tsansang makatuntong sa quarterfinals.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending