Sue mawawala sa Hanggang Saan | Bandera

Sue mawawala sa Hanggang Saan

Reggee Bonoan |February 06,2018
facebook
share this

Sue mawawala sa Hanggang Saan

Reggee Bonoan - February 06, 2018 - 12:20 AM

SUE RAMIREZ

SA itinatakbo ng kuwento ng seryeng Hanggang Saan, mukhang mawawala pansamantala ang karakter ni Sue Ramirez bilang Anna. Nagpaalam na siya kay Paco (Arjo Atayde) dahil pupunta ng siya sa ibang bansa kasama ang inang si Jean (Teresa Loyzaga) para magpagamot.

Ibig sabihin, posibleng magkabalikan sina Paco at Atty. Georgette (Maxene Medina) kapag nabaling na ang pagtingin ng binata sa dating karelasyon.

Naisip lang namin na puwedeng gumawa ng ibang project si Sue dahil kaliwa’t kanan ang offer sa kanya ngayon, kaya para maisingit ang mga ito ay kailangang nakabakasyon muna siya sa Hanggang Saan.

Anyway, hanggang kailan kaya makukulong si Sonya (Sylvia Sanchez) dahil nawala na ang kaisa-isang ebidensiyang puwedeng magsalba sa kanya, ang baril na nakuha nina Jacob (Ariel Rivera) na itinapon naman nito sa ilog.

Pero nakita ni Yaya Letty (Ces Quesada) si Jacob na hawak ang baril kaya posibleng maging susi rin siya para mapawalang-sala si Sonya.

Kumusta naman kaya ang short vacation sa Baguio City ni Ibyang kasama ang asawa’t mga anak at mga kaibigan? Siguradong nakapag-recharge na naman ang aktres matapos ang tuluy-tuloy na taping.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending