DOTr chief ipinag-utos ang kanselasyon ng bagong Skyway toll scheme
IPINAG-UTOS ni Transportation (DOTr) Secretary Arthur Tugade ang kanselasyon ng bagong toll collection system sa Skyway matapos na magdulot ito ng galit sa mga motorista dahil sa trapik na idinulot nito.
Idinagdag ni Tugade na inatasan na niya ang Toll Regulatory Board (TRB) na iabandona na ang bagong toll collection system.
“In governance, public convenience always comes first. It’s always public good over regulation,” sabi ni Tugade.
Nauna nang inilunsad ng Skyway O&M Corporation ang bagong toll payment noong Enero 27 matapos magbukas ng bagong toll plaza sa northbound section sa Skyway.
Sa ilalim ng bagong sistema, kailangan pang huminto ng mga motorista sa dalawang booth para magbayad ng toll fee sa bagong toll plaza kung saan kailangan isumite ang payment slip.
Dahil sa bagong scheme, hindi nakapasok ang mga motorista, samantalang ang iba ay hindi nakaabot sa kanilang flight.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.