Vice sa pasaway na fans: Ginagawa n’yong bobo ang mga artistang iniidolo n’yo!
Matapang na hinarap ni Vice Ganda ang mga pasaway na fans ng mga local celebrities sa pamamagitan ng sunud-sunod na tweets niya nitong nagdaang weekend.
Pinangaralan ng Unkabogable Star ang mga ito, aniya, “Some fans really think they know everything. And some even think they own you!
“Be smart. You should know when you’re being a supportive fan or a stupid fantard!” unang pahayag ni Vice.
Sinundan pa ito ng, “Andami ng tao ang nilalamon ng DEPRESSION dahil sa sobrang PRESSURE na dulot ng trabaho at ng mga taong inaakala nilang sumusuporta s knila.”
Bukod sa kanyang tweet, nag-Facebook Live pa ang TV host-comedian para mas mai-explain ang kanyang punto, “Maraming tao na kapag nag-react at kapag nagsalita at nagpamalas ng opinyon nila, especially online, akala nila tamang-tama sila at alam na alam na nila lahat.
“Ang dali-dali nila maniwala at maapektuhan at magbigay ng opinyon nila. Yung opinyon ay hindi masyadong pinag-iisipan kaya lalong lumilikha ng kaguluhan.”
Pinasalamatan din niya ang kanyang mga fans na kung tawagin ay “Little Ponies”, “Ang laki-laki ng naitulong niyo sa akin at ang laki-laki ng pagmamahal na pinaparamdam ninyo sa akin. Ipinagsasalamat ko at masayang-masaya ako na dinadama yung pagmamahal ninyo. Masarap kayo magmahal.”
“Masarap magmahal mga fans ko, pero meron din namang iba na OA din. OA din naman talaga,” sey pa ni Vice.
Para naman sa mga fans na puro kanegahan ang pinaiiral, narito ang mensahe ng komedyante, “Ginagawa niyo bobo yung mga artistang iniidolo niyo. Ginagawa niyong preso. Ginagawa niyo pag-aari ninyo.
“Ginagawa niyo robot, kaya yung mga artista nawawala ng buhay. Kawawa naman. Nalulungkot sila.”
Sa huli, ito ang hiling niya sa lahat ng fans, “Tulungan natin ang isa’t isa sa simple paraan. Magmahalan lang tayo. Ganu’n lang tayo.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.