Sigaw ng netizen: Please, wag n'yong i-level si Korina kay Xander Ford! | Bandera

Sigaw ng netizen: Please, wag n’yong i-level si Korina kay Xander Ford!

Ambet Nabus |January 20,2018
facebook
share this

Sigaw ng netizen: Please, wag n’yong i-level si Korina kay Xander Ford!

Ambet Nabus - January 20, 2018 - 12:10 AM


TAWA rin kami nang tawa sa naging komento at reaksyon ng ilang kababayan natin na ang social media sensation na si Xander Ford ang naging inspirasyon ni ateng Korina Sanchez para magpa-enhance ng kanyang kagandahan?

Jusme, tama bang i-level ang isang Korina Sanchez sa isang….hello!?! Ito na yata ang pinakamalaking kagagahang nabasa namin sa social media. Iba naman ang ginawa kay Xander Ford sa prosesong pinagdaanan ng batikang broadcast journalist. Sabi nga ng isang fan ni Ateng, “Please lang, huwag n’yong i-level si Xander Ford kay Ms. Korina Sanchez!”

Kung hindi siguro namin nakatrabaho noon at nakakasama si ateng Koring, baka pati kami ay naniwalang “retokada” nga siya. Maganda na dati pa ang asawa ni Kuyang Mar Roxas, at minor-minor lang ang ginawang procedure sa kanyang mukha kaya hindi naman talaga siya matatawag na retokada beauty.

Siguro nga, dahil lesser na ang stress niya sa work, mas masaya na ang buhay at mas healthy na siya ngayon kaya mas bumata at mas gumanda ang kanyang aura.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending