81-anyos na Mayon evacuee, namatay sa evacuation center | Bandera

81-anyos na Mayon evacuee, namatay sa evacuation center

John Roson |January 16,2018
facebook
share this

81-anyos na Mayon evacuee, namatay sa evacuation center

John Roson - January 16, 2018 - 05:19 PM
Namatay ang isang 81-anyos na lalaking kabilang sa libu-libong lumikas dahil sa pag-aalburuto ng Mayon Volcano, habang nasa evacuation center sa Tabaco City, Albay, Martes, ayon sa pulisya. Natagpuan na lang na walang buhay si Teodolo Precia sa Mayon Elementary School ng Brgy. Buang, dakong alas-5, sabi ni Chief Insp. Arthur Gomez, tagapagsalita ng Albay provincial police. Kabilang si Precia sa mga residente ng Purok 1, Brgy. Buang, na nakikisilong sa naturang paaralan upang di madisgrasya sa posibleng pagsabog ng bulkan, aniya. Pinaniniwalaang katandaan ang ikinasawi ni Precia, ani Gomez. Nakalagak ngayon ang mga labi ng matanda sa Purok 3 ng Brgy. Buang.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending