Horoscope, January 16, 2018 | Bandera

Horoscope, January 16, 2018

Madam Sophia |January 16,2018
facebook
share this

Horoscope, January 16, 2018

Madam Sophia - January 16, 2018 - 12:15 AM

Para sa may kaarawan ngayon: Sa taong ito ng 2018 kung laging magsusuot ng green may kakaibang suwerteng darating. Sa kulay na berde mas maraming salapi ang matatanggap. Sa pag-ibig, lalong iinit ang nanlalamig na pagmamahalan. Mapalad ang 2, 16, 25, 34, 43 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Adonai-Elohim-Shaddai.” Blue at red ang buenas.
Aries – (Marso 21-April 19) — Mapapasa iyo ang tagumpay sa taong ito ng 2018, basta’t ikilos lang ang anomang balakin sa isipan. Sa negosyo, aksyon agad ang dapat. Sa pag-ibig, hindi ka magiging maligaya kung laging may takot sa iyong puso! Mapalad ang 4, 19, 29, 33, 40 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Harim-Om-Haram.” Pink at lilac ang buenas.
Taurus – (April 20-May 20) — Sa taong ito ng 2018 wag hayaang manaig ang damdamin! Upang kumita ng malaking halaga, utak ang gamitin. Sa pag-ibig, habang tumatagal, tuloy-tuloy na ang isang masaya at mas mainit na relasyon. Mapalad ang 1, 10, 27, 33, 37 at 46. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Mohan-Karan-Om.” Green at black ang buenas.
Gemini – (May 21-June 21) — Sa pinansyal, sa biglaang desisyon at aksyon malaking suwerte ang makakamit. Sa pag-ibig, ngayong Year of the Dog, huwag babagal-bagal, sa sandaling nagpakita ng motibo ang kasuyo – sunggab agad! Mapalad ang 3, 15, 24, 33, 42 at 47. Mahiwaga mong mantra: “Baba-Nam-Ke-Balam”. Lilac at pink ang buenas.
Cancer – (June 22- July 22) — Sa taong ito ng 2018 siguraduhin may feasibility study ang papasuking negosyo bago maglabas ng malaking halaga. Sa pag-ibig, ngayon pa lang ipadama na ang mga bagay na nagpapaligaya sa kasuyo. Mapalad ang 6, 9, 23, 29, 33 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Govinda-Om.” Blue at gray ang buenas.
Leo – (July 23 – August 22) — Hindi ka dapat mayabang, dahil sa patuloy na pagpapakumbaba, sa taong ito ng 2018 higit kang kikita ng mas malaking halaga, at sa pag-ibig tuloy-tuloy pa rin ang maligayang pakikipagrelasyon sa isang medyo kayumanggi ang kulay ng balat. Mapalad ang 1, 13, 19, 26, 35 at 44. Mahiwaga mong mantra: “Gayatri-Savitra-Om.” Green at golden yellow ang buenas.
Virgo – (August 23 – September 22) — Sa taong ito ng 2018 isa-isa ng matutupad ang lahat ng mga plano mo sa buhay. Kapag kumita ng malaking halaga, unahin ang pagse-savings at huwag na huwag sasayangin ang pera sa mga walang kabuluhang bagay. Sa pag-ibig, habang buhay na mananatiling tapat ang kasuyo kaya ingatan mo ang kanyang pagmamahal sa iyo. Mapalad ang 5, 18, 23, 37, 43 at 47. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Gayatri-Om.” Red at white ang buenas.
Libra – (September 23-October 23) — Negosyong may kaugnayan sa pagkain ang iaalok ng isang kaibigan, upang kumita ng malaking halaga – sunggab agad! Sa pag-ibig, magte-text, ang kasuyo – na mi-miss ka na naman niya! Mapalad ang 6, 18, 23, 34, 41 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Agla-Aum-Aum”. Gray at yellow ang buenas.
Scorpio – (October 24 – November 21) — Simulan ang 2018 ng may malinis na puso. Batiin na ang mga kagalit. Kapag lagi kang masaya mas mabilis na madodoble ang kinikita. Sa pag-ibig, isang ngiti mo lang lalong mahuhumaling sa iyo ang mabait at masunuring kasuyo. Mapalad ang 9, 18, 27, 36, 42 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Padme-Om.” Orange at blue ang buenas.
Sagittarius – (November 22 – December 21) — Sa negosyo, laging sabihin sa sariling: “Kikita ako ng malaking halaga!” Makikita mo, iyon nga ang kusang mangyayari sa buong taong ito ng 2018 – kikita ka nga ng malaking halaga! Sa pag-ibig, wag labis na utos-utusan ang kasuyo, nakakahalata na siya! Mapalad ang 6, 17, 23, 25, 35 at 40. Mahiwaga mong mantra: “Agla-Aum-Aum-Aum!” Violet at magenta ang buenas.
Capricorn – (December 22 – January 19)—Sa taong ito ng 2018 may bagong pagkakakitaang matutuklasan. Sa pag-ibig, isang tigang na Cancer ang magpapapansin – sunggaban mo agad! Mapalad ang 6, 15, 24, 34, 43 at 47. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Bhuvah-Bhanah-Om.” Red at blue ang buenas.
Aquarius – (January 20 – February 18) — Hangga’t hindi nalilimot ang nakaraan, magiging alipin ka ng kasawian. Ang Bagong Taon na ito ang pinaka-mabuting simula upang limutin na ang kahapon. Tanggalin mo na rin sa iyong buhay ang mga kaibigang plastic at tsinitsismis ka lang. Sa pagbabagong buhay, susuwertehin ka na! Mapalad ang 4, 13, 22, 28, 35 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Savitra-Om.” Yellow at white ang buenas.
Pisces – (February 19 – March 20) — Sa taong ito ng 2018 magbagong simula ka. Bagong negosyo at bagong kalakal ang dapat. Sa pag-ibig, maghanap din ng bagong mamahalin na may stable job o kaya’y may mina-manage na negosyo upang mas mabili na umunlad ang inyong pamilya. Mapalad ang 2, 10, 19, 28, 31 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Jai-Guru-Deva-Om”. Green at beige ang buenas.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending