Kris makakatagpo rin ng lalaking pang-forever...sa tamang panahon | Bandera

Kris makakatagpo rin ng lalaking pang-forever…sa tamang panahon

Cristy Fermin - January 15, 2018 - 12:20 AM


MABUTI naman at nagbitiw ng pahayag si Kris Aquino na hindi na siya kinikilig kay Mayor Herbert Bautista. Sa huli nilang pagkikita nang ikasal ng aktor-pulitiko ang yaya ni Bimby ay naramdaman siguro ng aktres-TV host na hindi na tulad nang dati ang excitement niya nang magkita sila ni Mayor Bistek.

Mas maganda na ang ganu’n kesa naman sa parang hanggang ngayon ay umaasa pa rin siyang maibabalik ang dati nilang samahan. Siya ang nagiging kontrabida sa kuwento dahil kahit pa hindi kasal sina Mayor Herbert at Mayora Tates Gana ay meron silang dalawang anak na nasasaktan.

Bata pa naman si Kris, kung ang iba ngang mga artistang mas matanda kesa sa kanya ay nakakatagpo pa ng mamahalin at magmamahal, hindi naman imposibleng ganu’n din ang mangyayari sa kanya sa hinaharap.

Natatakot kasi ang mga kalalakihan sa kanya. Una, napakataas ng kanyang estado sa lipunan, sikat pa siya at mayaman, kaya magdadalawang-isip talaga ang mga kalalakihang makipaglapit sa kanya, hindi birong hamon ‘yun.

Ikalawa, natural lang na mas matinding takot ang nararamdaman ng mga ito dahil sa mga nakaraang pakikipagrelasyon niya na sobrang nagiging kontrobersiyal ang kanyang mga ex, walang lalaking magkakagustong pagpistahan siya sa publiko.

Mahihirapan siyang makakita ng magiging karelasyon pero kung may nakadisenyong magmamahal sa kanya at mamahalin din niya ay mababalewala ang kasaysayan ng mga nakaraan niyang pakikipagrelasyon.

Kailangan lang niyang maghintay.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending